Kontrol – Angela Ken (from “Click Like Share” soundtrack)

Nakakita ka na ba
Ng mga pekeng pagkataong umaaligid sa’yo?
Nakasagap ka na ba
Ng mga balitang ‘yun pala’y ‘di totoo?

Pindot doon, pindot dito
Komento agad, ‘di naman alam buong kuwento mo
Ganito na ba ang sistema?
Kaibigan pa ba ang mundong tinatamasa?

Dapat ang henerasyon natin nakatuon sa realidad padin
‘Di nakadepende sa basta sabi-sabi ng iba
Lahat ng bagay ay gamitin sa buti
Pero huwag masyadong mawili
Halaga ng buhay ‘wag balewalain
Para ang mundong ito’y ‘di ka kokontrolin

Nakakabahala man ang paligid na ginagalawan
‘Di dapat dumepende sa mga materyal na bagay lang
Isip muna bago magdesisyon, para tama ang solusyon
Nang hindi magsisi at umiyak sa bandang huli kasi

Pindot doon, pindot dito
Komento agad, ‘di naman alam buong kuwento mo
Ganito na ba ang sistema?
Kaibigan pa ba ang mundong tinatamasa?

Dapat ang henerasyon natin nakatuon sa realidad padin
‘Di nakadepende sa basta sabi-sabi ng iba
Lahat ng bagay ay gamitin sa buti
Pero huwag masyadong mawili
Halaga ng buhay ‘wag balewalain
Para ang mundong ito’y ‘di ka kokontrolin

Na sa dulo, ‘di mo na kayang bitawan
Kasi nasanay ka na (‘wag kang masanay, ‘wag kang masanay)
Wag sanang dumating sa puntong ‘di mo na kilala maski sarili mo
Kasi nawala ka na (nawala ka na)

Dapat ang henerasyon natin nakatuon sa realidad padin
‘Di nakadepende sa basta sabi-sabi ng iba
Lahat ng bagay ay gamitin sa buti
Pero huwag masyadong mawili
Halaga ng buhay ‘wag balewalain
Para ang mundong ito’y ‘di ka kokontrolin

Dapat ang henerasyon natin nakatuon sa realidad padin
‘Di nakadepende sa basta sabi-sabi ng iba
Lahat ng bagay ay gamitin sa buti
Pero huwag masyadong mawili
Halaga ng buhay ‘wag balewalain
Para ang mundong ito’y ‘di ka kokontrolin

Hmmm
La da da di da da da

Kaya mag-ingat ka
Sa mga pekeng pagkataong umaaligid
Sa’yo
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20