Kung Tayo Talaga – Yayoi & Jay Rhyme

Anong nangyayare saten, di mo ba napapansin
Puro away na lamang at parang wala ng gustong makinig sa isat-isa
Di’bat napakahirap isipin sumisikip na pareho itong mundo natin
Kailangan na sigurong ng pahinga lagyan ng konting espasyo ang isat-isa

Dahil kung tayo, tayo talaga
Kailangang palayain ang isat-isa
Wag kang mag-alala di naman kita iiwanan
Kailangan lang ng pahinga
Wag kang mag iisip na papalitan na kita
Hindi ako bibitaw napagod lang talaga
Oras naman ang kailangan nating dalawa
Dahil kung tayo, tayo talaga

Mahirap din naman sa akin ang hindi ka kausapin
Ngunit kinakailangan ko na muna mag-isa
Konting agwat lamang upang makahinga
Masyado tayong nasanay na laging ganito
Wag munang magsalita at pakinggan naman ako
Kailangan muna natin ng pahinga
Lagyan ng konting espasyo ang isat-isa

Dahil kung tayo, tayo talaga
Kailangang palayain ang isat-isa
Wag kang mag-alala di naman kita iiwanan
Kailangan lang ng pahinga
Wag kang mag iisip na papalitan na kita
Hindi ako bibitaw napagod lang talaga
Oras naman ang kailangan nating dalawa
Dahil kung tayo, tayo talaga

Matagal ko ding pinag isipang mabuti, kung pano ko masasalba
Yung sating ayokong masayang ng dahil lang tayo’y parehong nasasakal na
Mainam na din na magwalay saglit, kesa tuluyang magkalabuan
Mabuti na yung magparaya parehas kesa tuluyang magkasukuan
Ang mga pusong madalas na magtalo kahit wala na tayo sa lugar
Ayokong masayang ng ganun na lang ang lahat ng ating mga naisugal
Mas mabuting siguro ganito muna tayo ng sa ganon parehong makapag-isip
Ng paraan, ng ang magulong relasyon makaya pa nating masagip

Dahil kung tayo, tayo talaga
Kailangan palayain ang isat-isa
Wag kang mag-alala di naman kita iiwanan
Kailangan lang ng pahinga
Wag kang mag iisip na papalitan na kita
Hindi ako bibitaw napagod lang talaga
Oras naman ang kailangan nating dalawa

Dahil kung tayo, tayo talaga
Kailangan palayain ang isat-isa
Wag kang mag-alala di naman kita iiwanan
Kailangan lang ng pahinga
Wag kang mag iisip na papalitan na kita
Hindi ako bibitaw napagod lang talaga
Oras naman ang kailangan nating dalawa
Dahil kung tayo, tayo talaga

Tayo, tayo talaga
Wag kang mag-alala di naman kita iiwanan
Kailangan lang ng pahinga
(Ang mga pusong madalas na magtalo kahit wala na tayo sa lugar
Ayokong masayang ng ganun na lang ang lahat ng ating mga naisugal
Mas mabuting siguro ganito muna tayo ng sa ganon parehong makapag-isip
Ng paraan, ng ang magulong relasyon makaya pa nating masagip)
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20