labi – TALA

‘Di ko malaman kung paano alagaan
Ang damdamin kong maselan
Nagbago na ng pananaw
Darating din ang araw pero ‘di alam kung kailan
Parang panaginip lang ika’y sumama kagabi
Kamay ko ay hinawakan
Init ng kape walang sinabi sa init ng tayo’y magyakapan

Bakit ngayon lang kita nahagkan?
Ang ‘yong labing puno ng ligaya
Bakit ngayon lang kita namasdan?
Ang ‘yong ngiting naghatid ng saya

‘Di ko matantsa pero kay tagal nang umaasang
Ikaw ay makapiling
Kay buti ng tadhana pinalad kagabing
Mapagbigyan ng hiling
Gusto kong balik-balikan
Ang iyong halik na ‘sing tamis ng kalawakan
Pero kahit ‘di maulit salamat na rin
Sa dulot na kaligayahan

Bakit ngayon lang kita nahagkan?
Ang ‘yong labing puno ng ligaya
Bakit ngayon lang kita namasdan?
Ang ‘yong ngiting naghatid ng saya

Ngayon pang huli na ang lahat
May may-ari na ng buhay mo
May katapusan ba ang nararamdaman kong ito?
Don’t know if I’m going in the right direction
Got me feelin’ like I’m drownin’ in emotions
Boy just gonna lay your love next to me

Bakit ngayon lang kita nahagkan?
Ang ‘yong labing puno ng ligaya

Don’t know if I’m going in the right direction
Got me feelin’ like I’m drownin’ in emotions
Boy just gonna lay your love next to me

Bakit ngayon lang kita namasdan?
Ang ‘yong ngiting naghatid ng saya

Don’t know if I’m going in the right direction
Got me feelin’ like I’m drownin’ in emotions
Boy just gonna lay your love next to me
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20