[Shortone:] Kinikilig, habang nakatingin sila Sa’tin kasi, magkadikit ating mukha, oh Mga bibig, nati’y pareho ang buka Ramdam ang init, ng hininga at iyong buga
Iyong amoy, binabalik-balikan Kapag ikaw ay wala Damit mo’y hinahalikan Oh aking Lakambini Ako ang iyong Lakan Aking paglalambing Talagang sayong-sayo lang
Ang ganda mo’y hindi ko na makukubli Pag-ibig ko sayo’y hindi mabibili Ito’y handog na ‘di kailangan ng sukli Ako’y handang magpa-alipin at mas susulitin
Punta kahit saan man ang iyong ibig Basta sa’kin ka lang papanhik Ito’y bigay at ‘di kailangan ng balik Ibig kong sabihin, sa’kin ka lang hahalik
[Alisson Shore:] Sa’yo lang, magpakailanpaman Pangakong ‘di ka na masasaktan Kahit na, wala akong kalagyan Kung ‘di rin lang ikaw, ay para san?
Dinadaan-daanan ka nila Kahit libre ang alok Kasi ‘di nila makita Kung ano ang iyong handog
Walang sinabi ‘yung mga teatro na Nagkalat sa Escolta Ikaw ang kapitolyo at Ako ang sampagita
Ibuburda ang pangarap kahit Malakas pa ang ulan Dahil tanging nais lang Pag-ibig mo’y maambunan
Kahit bagyo pa man yan Salantahin at gibain Hindi mapipigilan
[Shortone:] Kaya pwede ba na malaman Kung anong kinalaman Ng aking pangalan Sa nadidinig, baka ay bulaan
Lapit ka dito, ‘wag iiling Lakad bagito, he’to piring Hiling ng langit, ay tutuparin Hiling ng langit, ay tutuparin
Sa’yo lang, magpakailanpaman Pangakong ‘di ka na masasaktan Kahit na, wala akong kalagyan Kung ‘di rin lang ikaw, ay para san?
[Alisson Shore:] Sa’yo lang, magpakailanpaman Pangakong ‘di ka na masasaktan Kahit na, wala akong kalagyan Kung ‘di rin lang ikaw, ay para san?
[Shortone:] Sa’yo lang, magpakailanpaman Pangakong ‘di ka na masasaktan Kahit na, wala akong kalagyan Kung ‘di rin lang ikaw, ay para san?