Maghintay – Julie Anne San Jose (from “My Guitar Princess” soundtrack)

Darating ba
Ang mga sagot
Kapag nahanap na
Wala na bang lungkot
Pag-ibig lang naman
Ang nais makamtan
Hahanapin ba
O sadyang mag-aabang

Pipilitin ko
Pipiliin mo kaya ako
Kung piliin ko
Na maghintay
Na maghintay

Hindi panahon
Ang sagisag ng pag-ibig ko
Kundi pagkakataon
Na aking niyayapos at ayaw pakawalan
Ngunit ano’ng magagawa
Kung ako’y iwasan
Hahanapin ba
O pakakawalan na lang

Pipilitin ko
Pipiliin mo kaya ako
Kung piliin ko
Na maghintay
Na maghintay

Sa’yo
Magbubukas ang langit
Pag-ibig ay lalapit
Ooohhh
Pag-asa’y kumakapit
Araw nati’y sasapit din

Pipilitin ko
Pipiliin mo kaya ako
Kung piliin ko
Na maghintay
Na maghintay

Pipilitin ko
Pipiliin mo kaya ako
Kung piliin ko
Na maghintay
Na maghintay

Sa’yo
Maghihintay sa’yo
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20