Mahal Ako Ng Mahal Ko – Vice Ganda

Ang dami kong piniling mahalin
Inalayan ng lahat ng sa akin
Ilang beses nang sumugal
Pero ako lang ang nagmahal
‘Di pa rin ako tumigil magdasal

Ako raq ay mahirap ibigin
‘Di daw nila makakayang tanggapin
At bigla kang dumating
Pinatunayan mo sa akin
Ako ay karapat-dapat ding mahalin

Nagbago ang mundo
Nang mapasayo
Nawala ang lahat ng takot ko

Salamat sa iyo
At pinaramdam mo
Na mahal ako ng mahal ko

Ikaw ang tugon sa ‘king mga hiling
Pag-ibig mo na kusang dumating
At niyakap mo ang lahat
Kagalingan at sugat
Minahal mo ako, bilang ako

Nagbago ang mundo
Nang mapasayo
Nawala ang lahat ng takot ko

Salamat sa iyo
At pinaramdam mo
Na mahal ako ng mahal ko

At kung meron mang hangganan
Hindi pa rin mawawala
Pasasalamat, sa iyong pinadama

Nagbago ang mundo
Nang mapasayo
Nawala ang lahat ng takot ko

Salamat sa iyo
At pinaramdam mo
Na mahal ako ng mahal ko
Kay sarap na mahal mo rin ako
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20