Mahal Kita – Andrew E.

Pag-ibig, yeah
Hinahanap-hanap kita
Uubusin ko ang aking oras, matagpuan ka lang
Lahat ay aking gagawin, lahat ay aking ibibigay
At kung sa kabutihang-palad, ika’y matagpuan
Umasa kang ‘di kita iiwan
Pambababae ko ay kinalimutan ko na
Mula pa noon na araw na nakilala kita
Sa aking puso, hinding-hindi maaalis
Ang iyong halik na walang kasingtamis
At ang tibok ay walang kasingtindi
Nang halikan ko ang iyong kamay at pisngi
Kaya’t magmula ngayon, magpakailanman
Ikaw at ako, nagmamahalan

Mahal kita, yeah
Mahal kita, uh-huh
Mahal kita, yeah
Mahal kita, uh-huh

Pag-ibig, yeah
D’yan lahat nag-umpisa
Kaya’t ang pag-ibig na aking hinahanap
Isang babaeng may pagtingin
S’ya ang aking magiging lahat
Liwanag ng aking pag-unawa
At kung sakaling ikaw ang may taglay
Hayaan mong hawakan ko ang iyong kamay
Puso ko’y iaalay ko sa ‘yo, sinta
Ikaw lang at wala nang nanaisin pa
Pinapangarap ‘pagkat ikaw ang nasa isip
Ikaw ang hanap, maging sa panaginip
At sa pagtitinginan nating dalawa
Para bang ang buong mundo’y limot ko na
Tandaan, pag-ibig ko’y walang hanggan
Ikaw ang mamahalin magpakailanman

Mahal kita, yeah
Mahal kita, uh-huh
Mahal kita, yeah
Mahal kita, uh-huh

Pag-ibig
Hinahanap-hanap kita
Uubusin ko ang aking oras, matagpuan ka lang
Lahat ay aking gagawin, lahat ay aking ibibigay
At kung sa kabutihang-palad, ika’y matagpuan
Umasa kang ‘di kita iiwan
Pambababae ko ay kinalimutan ko na
Mula pa noon na araw na nakilala kita
Sa aking puso, hinding-hindi maaalis
Ang iyong halik na walang kasingtamis
At ang tibok ay walang kasingtindi
Nang halikan ko ang iyong kamay at pisngi
Kaya’t magmula ngayon, magpakailanman
Ikaw at ako, nagmamahalan

Mahal kita, yeah
Mahal kita, uh-huh
Mahal kita, yeah
Mahal kita, uh-huh
Mahal kita

Mahal kita
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20