Nagbabadya ang hangin Na nakapalibot sa ‘kin Tila merong pahiwatig Ako’y nananabik ‘Di naman napilitan Kusa na lang naramdaman Ang ‘di inaasahang Pag-ugnay ng kalawakan
Ibon sa paligid Umaawit-awit Natutulala sa nakakaakit-akit mong tinatangi Napapangiti mo ang aking puso
Giliw, ‘di mapigil ang bugso ng damdamin ko Mukhang mapapaamin mo, amin mo oh Giliw, nagpapahiwatig na sa ‘yo Ang damdamin kong napagtanto na Gusto kita
Hindi ko alam kung saan ko sisimulan Binibigyang kulay ang larawan na para bang Ikaw ang nag-iisang bituin Nagsisilbing buwan na kapiling mo Sa likod ng mga ulap Ang tayo lamang ang tanging magaganap
Ibon sa paligid Umaawit-awit Natutulala sa nakakaakit-akit mong tinatangi Napapangiti mo ang aking puso
Giliw, ‘di mapigil ang bugso ng damdamin ko Mukhang mapapa-amin mo, amin mo Giliw, nagpapahiwatig na sa ‘yo Ang damdamin kong napagtanto na Gusto kita Gusto kita Gusto kita Gusto kita Gusto kita
Anong salamangkang meron ka Binabalot ka ng mahika Anong salamangkang meron ka Ako’y nabihag mo na Ako na nga’y nabihag mo na Nang ‘di naman talaga sinasadya ‘Pagkat itinataya ata tayo para sa isa’t isa
Giliw, nagpapahiwatig na sa ‘yo ang Da-da-da-damdamin ko Da-da-da-da-da-damdamin ko Giliw Giliw Giliw Napagtanto na Gusto kita