Nakakabighani malayo man o malapitan Nakaka-adik ka kaya ako’y palaging lutang Mahal na nga kita, mahal nang ‘di mo alam Kapag dumadating ka ang tingin sa ‘yo na naman (Pambihira) ‘Di na nakasimangot (Bibihira) Na lang din makalimot (Aba mabisa) Pumipili ng sinusuot Kasi naghahanda sa mas mainam mong oo’ng isasagot
Ang dali-daling gumana ang talab Ng ngiti mo ‘pag tinititigan kita ang sarap Pangarapin ang katulad mo kapag kausap Na kita handa ‘kong magpuyat Alam mo bang palagi na akong nag-aayos natutong alagaan ‘Yung sarili kasabay nu’n ay gusto kong magawa ‘yan Sa ‘yo lalong nainspira kaya ‘wag kang magtaka Kung bakit madali ko lang nasabi na mahal kita Maganda’t ‘di maarte kahit bossy ‘yung dating Ok lang kahit sabihin pa nilang a-ander-in ‘Di bale ang mahalaga ako ay mahal mo rin Mapasaya ka lang pangako na lahat ay gagawin
Nakakabighani malayo man o malapitan Nakaka-adik ka kaya ako’y palaging lutang Mahal na nga kita, mahal nang ‘di mo alam Kapag dumadating ka ang tingin sa ‘yo na naman (Pambihira) ‘Di na nakasimangot (Bibihira) Na lang din makalimot (Aba mabisa) Pumipili ng sinusuot Kasi naghahanda sa mas mainam mong oo’ng isasagot
Kapag kasama ka ayoko nang ma-blangko Kasi gusto ko na mapangiti ka sa mga kwento ko Hindi kita bibitinin laging papatawanin Kasi misyon ko lang ay araw-araw pang pasayahin ‘Yung simple mong tinginan gusto kong iuwi ‘yan Ang cute kasi kaya mas lalo kong tinititigan Ang sarap isiping magkahawak ang kamay Naglalakad at tila ‘di na maghihiwalay Sabay tayong kakain palaging dadalhan kita Ng mga paborito mo asahang ‘di mag-iiba ‘Di ko sasayangin ‘yung tiwala mong ibibigay Basta sagutin mo lang ‘yon lagi kong hinihintay
Nakakabighani malayo man o malapitan Nakaka-adik ka kaya ako’y palaging lutang Mahal na nga kita, mahal nang ‘di mo alam Kapag dumadating ka ang tingin sa ‘yo na naman (Pambihira) ‘Di na nakasimangot (Bibihira) Na lang din makalimot (Aba mabisa) Pumipili ng sinusuot Kasi naghahanda sa mas mainam mong oo’ng isasagot
Kung saan-saan ko na hinanap ‘yung pag-ibig Pero nung nakita ka nagbago ‘yung paligid Buong akala ko noon mahirap ‘tong gawin Mula nung makilala ka iba na ‘yung tingin Palagi kang aalalayan ‘di ko hahayaang Pumatak ang luha sa mata mo kung kailangan Nandito lang ako at isang tawag mo lang Agad-agad pupuntahan kita kung nasa’n ka man Bukod sa ikaw ay nag-iisa Asahan mong wala ka nang kahati Para sa ‘kin ‘di na titingin pa sa iba Lahat tutuparin sagutin mo lang ng oo mo Papatunayan ko sa ‘yong pag-ibig ko ay totoo