Ayoko na sa’yo Dahil lahat nang sinabi mo’y hindi totoo Ano ang plano mo? Kapag lahat ng binali ko’y sagad na sa buto Pero nakapagtataka Bakit mahal pa rin kita? O sadyang nakapagtataka Dahil mahal pa rin kita
Lumapit kahit na malayo ka (Ang lahat ay ginawa. Ano nga bang napala? Dito ka sa kanan ako naman ang sa kaliwa) Kahit kaya pa’y paalam na (Di ko makakaila kahit na sa kabila ng lahat ay hahanapin ka pa rin sa simula) Lumapit kahit na malayo ka (Ang lahat ay ginawa ano nga bang napala? Dito ka sa kanan ako naman ang sa kaliwa) Kahit kaya pa’y paalam na (Di ko makakaila kahit na sa kabila) Malay mo’y magkita pang muli
Maleta sa pintuan na nakaabang Damit at mga alaalang syang laman Mabigat mang buhatin ay aking pasanpasan Matagal na pinagisipan nang matuklasan Ang katotohanang di matago Madami nang nagbago Kahit malayo ay tanaw Malinaw di malabo Mahabang listahan ng mga di natupad na pangako Parang gamogamo sa ganda mo nakakapaso Nakakasilaw na parang ilaw ng jeep sa kalsada Di man sigurado ang kita ay namamasada Parang pagtingin mo sakin Pwede ka bang kausapin Di ko sukat akalain mangyayari to sa atin Ang hirap mong hagilapin Laging laman ng dalangin Liham na sanay meron ka pang oras na basahin Kahit basa na ng luha at ubos na ang tinta Di ako makapaniwala na mahal pa rin kita
Lumapit kahit na malayo ka (Ang lahat ay ginawa. Ano nga bang napala? Dito ka sa kanan ako naman ang sa kaliwa) Kahit kaya pa’y paalam na (Di ko makakaila kahit na sa kabila ng lahat ay hahanapin ka pa rin sa simula) Lumapit kahit na malayo ka (Ang lahat ay ginawa. Ano nga bang napala? Dito ka sa kanan ako naman ang sa kaliwa) Kahit kaya pa’y paalam na (Di ko makakaila kahit na sa kabila) Malay mo’y magkita pang muli
Bata pa nang makilala ka disiotso anyos Niligawan kaya di muna ko nakatapos Malayo mang pagitan pag naiwan humahangos Mga paang nakagapos sa pawis naghihilamos Pero naabutan mailap na hayop napaamo Hawak kamay nilakaran ang lupa sa malalayo Marami ang nagsabi na hindi raw mangyayari Na ang isang katulad ko ay ituturing mong hari at iyong mundo Lahat ng hirap ko’y napawi Kahit magulo, ilawan ng mga kamay hinawi Sa tagal ng pinagsamahan Dalawampung taon ikaw ang nagpaalala sakin Sino ako noon at ano ang meron nang aking mapuno ang balon At mga bangin na ako pa lamang ang tumalon Kaya kahit basa na ng luha at ubos na ang tinta Di ako makapaniwala na mahal pa rin kita
Ayoko na sayo Dahil lahat ng sinabi mo’y hindi totoo Ano ang plano mo? Kapag lahat ng binali ko’y sagad na sa buto Pero nakapagtataka Bakit mahal pa rin kita O sadyang nakapagtataka Dahil mahal pa rin kita
Lumapit kahit na malayo ka (Ang lahat ay ginawa. Ano nga bang napala? Dito ka sa kanan ako naman ang sa kaliwa) Kahit kaya pa’y paalam na (Di ko makakaila kahit na sa kabila ng lahat ay hahanapin ka pa rin sa simula) Lumapit kahit na malayo ka (Tama na ang salita. Sino ang may napala? Dito ka sa kanan ako naman ang sa kaliwa) Kahit kaya pa’y paalam na (Di ko makakaila kahit na sa kabila) Malay mo’y magkita pang muli