Mangarap Ka, Laban Pa – Quest (from “The Clash” soundtrack)

Matayog ang lipad ng ‘yong pangarap
Kinabukasang kay tagal nang hinahanap
Tinig ng pusong may nais ipalaganap
Himig na hindi na paaawat pa
Haharapin ang laban
Puno ng tapang hanggang sa dulo hindi susuko
Abutin ang pangarap
Isulat ang ‘yong kapalaran
Hanggang sa lumiwanag ang mga bituin ang kasama

Mangarap ka, sige laban pa
Huwag kang papipigil, huwag na huwag titigil
Mangarap ka, sige laban pa
Taas noo, oras mo ‘to
Iparinig ang tinig sa buong mundo

Tapang ang puhunan, boses ang sandata
Talentong siguradong mamamangha ka
Sige ‘bigay mo yan ng todo
Lahat sumusubaybay sa bawat tono
Sinong pinakamagaling
Pinakamaliwanag na bituin
Pangarap ay tuparin
Mga makabagong bayaning tatanghalin

Mangarap ka, sige laban pa
Huwag kang papipigil, huwag na huwag titigil
Mangarap ka, sige laban pa
Taas noo, oras mo ‘to
Iparinig ang tinig sa buong mundo

Iparinig ang tinig sa buong mundo
Mangarap ka
Sige laban pa

Mangarap ka, sige laban pa
Huwag kang papipigil, huwag na huwag titigil
Mangarap ka, sige laban pa
Taas noo, oras mo ‘to
Iparinig ang tinig sa buong mundo
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20