Papa, naalala mo pa ba Nung ako ay bata pa, diba? Aking puso’y ‘yong hinanda sa Mga bagay na buhay ang may dala Dala ko ang ‘yong bawat payo At hanggang sa dulo, magkalayo man tayo Ako’y tatayo, pangako, tatay ko
Dahil ikaw ang aking paa Sa t’wing ako’y gagapang na Ang dahilan ng aking paghinga
Kaya ‘wag mag-alala Ipikit ang ‘yong mata, tahan na Pahinga muna, ako na’ng bahala Labis pa sa labis ang ‘yong nagawa Papa, pahinga muna Ako na
‘Di ko na sasayangin pa’ng mga Natitirang paghinga Tutungo na kung sa’n naro’n ang mahalaga Kahit na kailan pa ma’y ‘di mawawala Pagka’t dala ko ang mapa Sa’n man mapunta alam kung sa’n nag mula
‘Wag mag-alala Ipikit ang ‘yong mata Tahan na, pahinga muna Ako na
Kaya ‘wag mag-alala Ipikit ang ‘yong mata, tana Pahinga muna, ako na’ng bahala Labis pa sa labis ang ‘yong nagawa Ma, Pa, pahinga muna Ako na