Matututunan Din Nila ‘Kong Mahalin – Yumi Lacsamana
By
‘Di ba ‘ko kagusto gusto Parang lahat lumalayong husto Lagi na lang akong nadarapa Kay rami nang biglang nawawala
Ngayo’y nagiisa Ngunit umaasang may darating pa
Kapag naubos na ang sinag ng araw Matututunan din nila ‘kong mahalin Kapag ang dagat ay dagli nang bumabaw Matututunan din nila ‘kong mahalin Kapit ng maigting may darating din Matututunan din nila ‘kong mahalin
Nais ko rin maramdaman Pakiramdam ng mayroong nandiyaan Laging handang yumakap, humalik Sa pagdating ko ay sabik
Ngayo’y nag-iisa Ngunit umaasang may darating pa
Kapag buhangin ay hindi na inanod Matututunan din nila ‘kong mahalin Kapag ang bukas at kahapo’y nag-abot Matututunan din nila ‘kong mahalin Kapit ng maigting may darating din Matututunan din nila ‘kong mahalin
Ngayo’y nag-iisa Ngunit umaasang may darating pa
Kapag maaari nang tumapak sa ulap Matututunan din nila ‘kong mahalin Kapag pupuwede nang bundok ay matulak Matututunan din nila ‘kong mahalin Kapit ng maigting may darating din Matututunan din nila ‘kong…
Kahit lahat ng komplikado ay simple Matututunan pa kaya ‘kong mahalin Kahit mangyaring lahat ng imposible Matututunan pa kaya ‘kong mahalin Kapit mang maigting meron bang darating Matututunan pa kaya ‘kong mahalin