Medley (Ikaw Ang Lahat Sa Akin / Narito) – Erik Santos
By
Ikaw ang lahat sa akin Kahit ika’y wala sa aking piling Isang magandang alaala Isang kahapong lagi kong kasama
Ikaw ang lahat sa akin Kahit ika’y ‘di ko dapat ibigin Dapat ba kitang limutin ‘Pano mapipigil ang isang damdamin Kung ang sinisigaw ikaw ang lahat sa akin
At kung hindi ngayon ang panahon Upang ikaw ay mahalin bukas na walang hanggan Doo’y maghihintay pa rin
Narito ang puso ko Inaalay lamang sa ‘yo Aking pangarap kahit saglit Ang ikaw at ako’y magkapiling Minsan pang makita ka Damdamin ay sumasaya Lungkot napapawi buhay ko’y ngingiti Sa sandaling pag-ibig mo’y makamit
Puso ko’y narito naghihintay sa pag-ibig mo Ikaw lamang ang inaasam Tanggapin mo ang puso ko
Hanggang matapos ang kailanman Kahit ‘di malaman o maintindihan Kahit na masugatan ang puso Naghihintay sa ‘yo maghihintay ako
Kung hindi ngayon ang panahon Upang ikaw ay mahalin bukas na walang hanggan Ako’y maghihintay pa rin