Minahal Kita – Aegis

Noong una kang makita
Alam mo ba sinta
Ako ay nagalit dahil suplado ka
Ngunit hindi naglaon nakilala rin kita
Marunong ka rin naman palang tumawa

At ng kita’y kausapin
Ako’y nangangamba
Na baka ika’y magalit at umiwas ka sinta
Ngunit hindi naglaon nakilala rin kita
Hindi ka naman pala totoong suplado

Minahal kita hindi lang dahil sa gwapo ka
Minahal kita hindi rin dahil sa maporma ka
Minahal kita lalong hindi dahil mayaman ka
Minahal kita sa taglay mong pambihira

Minsan ako’y lumisan
Akala ko hirang
Iyong kalilimutan ang bakas ng suyuan
Ngunit aking nalaman
Buhat sa isang kaibigan
Ginagabi ka raw sa ating tagpuan

Minahal kita hindi lang dahil sa gwapo ka
Minahal kita hindi rin dahil sa maporma ka
Minahal kita lalong hindi dahil mayaman ka
Minahal kita sa taglay mong pambihira
[x2]

Minahal kita sa taglay mong pambihira…
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20