Ms. Toyo – Agsunta

Wala naman akong ginagawa
Nag-iisip ka naman ng kung anu-ano
Puwede bang tigilan na ang ‘yong kabaliwan
Nagtataka ka pa kung ba’t ako napapanot

Please lang, tigilan mo na ‘yan
Please lang, ang labo mo naman
Please lang, tinotoyo ka na naman
Please lang, mahal kita pa kiss naman

Kani-kanina lang ako ay pinayagan mo
Na makasama maglaro ang mga tropa ko
Pag-uwi ay sinalubong na nakakunot
Ba’t bigla na lang nagalit at walang kibo

Please lang (Please lang), tigilan mo na ‘yan
Please lang (Please lang), ang labo mo naman
Please lang (Please lang), tinotoyo ka na naman
Please lang (Please lang), mahal kita pa kiss naman

Halika dito
‘Wag ka nang magalit sakin
Ako’y sa ‘yo, ikaw ay akin at
Kahit may toyo
Sagot ko nang ulam at kanin
Lika na tayo’y kumain na

Please lang, tigilan mo na ‘yan
Please lang, ang labo mo naman
Please lang, tinotoyo ka na naman
Please lang, mahal kita pa kiss naman

Please lang (‘Wag ka nang magalit sakin), tigilan mo na ‘yan (Lika na tayo’y kumain)
Please lang (‘Wag ka nang magalit sakin), ang labo mo naman (Lika na tayo’y kumain)
Please lang (‘Wag ka nang magalit sakin), tinotoyo ka na naman (Lika na tayo’y kumain)
Please lang (‘Wag ka nang magalit sakin), mahal kita pa kiss naman (Lika na tayo’y kumain)
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20