Naghihintay – ALLMO$T

Malaman mo sanang ako
Ay naghihintay lamang sa ‘yo
Dahil ang tanging laman nitong puso ko
Ay pangalan mo

Ako ay maghihintay
Yung dating panahon ko na matamlay
Sa wakas ay mababago hindi na ‘ko malulumbay
Dahil sa ‘yo oh
Nung nakilala mo ako oh
Hindi na kasing-labo ng mga panahong dating umaasa lang ako
Kasi nga nandyan ka
Lagi kang masaya
Pa’no ba naman ‘pag nakikita
Laging nakangiti ka
‘Wag ka nang mangamba
Sana nga’y hindi na
Gusto ko nang umamin
Bago pa ‘ko maunahan ng iba
Kasi madalas na kitang nakakasama
Ma-pa araw o ulan
O sa gabi ng kadiliman
Lagi ka na lang
Sa tabi kapag
Ako’y may kailangan
Lagi ka nandyan
Kahit ano mang oras ka tawagan
Kaya nga malabo na kitang maiwanan
Dyan nasusukat ang tunay na pagmamahalan
Dapat mong asahan ang mga katunayan
Ng aking nararamdaman ‘di ko na mapigilan

Malaman mo sanang ako
Ay naghihintay lamang sa ‘yo
Dahil ang tanging laman nitong puso ko
Ay pangalan mo
‘Di mabanggit ang nararamdaman
Aaminin o tatago na lang
Ako ay maghihintay
Sa ‘yo ay naghihintay
Sana ay mahalin mo rin
At makuha ang pag-ibig mo

Pa’no ba ‘ko mananalo sa ‘yo
(Oo, pa’no ba)
Kung palagi na akong ganito
Napapahinto, ano nga bang gagawin ko
Natatakot na baka ‘di mo pansinin
Kasi lupa ako, ikaw ay bituin
Kaso pa’no ko nga ba gaganapan
Eh sa harapan mo ay ‘di ko kayang ilaan
Palaging may ilang na ‘di ko maidahilan
Ano ba ang kaibahan sa ‘yong mata ay nakikita yung kinang
Pa’no ba mangyayari
Kung madalas nadya-dyahe
Umuurong lang ang pakiramdam
Binibini ko mundo ko’y paukutin
Unawain mo kung ako’y mahiyain
Basta ‘di ko na ito pahuhupain
‘Di ako papayag na hindi kita maipakilala sa ‘min
Kahit manhik-manaog pa ako sa inyo
Basta marinig mo lang mula sa aking bibig
Iniibig ka
Walang hangad na kapalit
Basta palagi ako na nandito at naghihintay (naghihintay)
Kahit ga’no katagal sa iyo ako ay maghihintay (maghihintay)
Alamin mong laging sa ‘yo (laging sa ‘yo)
Lakas ng loob na lang yung kailangan ko nang

Malaman mo sanang ako
Ay naghihintay lamang sa ‘yo
Dahil ang tanging laman nitong puso ko
Ay pangalan mo
‘Di mabanggit ang nararamdaman
Aaminin o tatago na lang
Ako ay maghihintay
Sa ‘yo ay naghihintay
Sana ay mahalin mo rin
At makuha ang pag-ibig mo

Kahit ga’no katagal mo pa ‘ko na mapagbigyan
Matik ako ang nandyan na palagi kang papakinggan
Maging ano mang kailangan mo, palaging maaasahan ‘to
Dahil sa ‘yo lang maglalaan ng panahon para namamalayan mo
Hindi mo man ‘to tanungin, ikaw ang aking hinihiling
At kahit sa’n makarating, sa ‘yo palaging tumitingin
Kaso pa’no nga ba sa ‘kin bibilib, kung sa iba ka naman nakikinig
Ayoko nga rin sana ‘to na kimkimin, baka lang maisip na ako’y naiinip
Pero kaya ko namang maghintay
‘Di naman ako nagmamadali
Kung pwede ka palaging kasama
Talaga namang mapapangiti
Kahit na hindi man ‘to nauna
Pansamantala ako na muna
Ang mag-aalaga’t ‘di lumuha
Puso mo na balang araw makukuha
Kaya dapat lang na panghawakan mo
Na hindi ko pwede pabayaan ‘to
Nais ko na maipadama
Sana ‘di na mawala
Tulad mong inaalayan ko
Ika’y kapana-panabik
‘Di ko iniisip na magkakamali
Ayos na sa akin kung patuloy na lang
Muna kitang ipagmalaki at least

Malaman mo sanang ako
Ay naghihintay lamang sa ‘yo
Dahil ang tanging laman nitong puso ko
Ay pangalan mo
‘Di mabanggit ang nararamdaman
Aaminin o tatago na lang
Ako ay maghihintay
Sa ‘yo ay naghihintay
Sana ay mahalin mo rin
At makuha ang pag-ibig mo

Kahit na matagal pag-ibig ko ay sa iyo lang
‘Di man mahulaan ang iyong pagtingin
Asahang andito lang hanggang sa ‘yong lingunin
Kasi gusto ko na malaman mong
Tanging sa ‘yo lamang
Ibibigay ang tala na kayang sungkitin
Kaya pa’no na lang
Kung ito’y ‘di mo malaman
Natatakot na baka ako’y maunahan
Kaya ‘di magdadalawang-isip na ika’y puntahan
Nagkakamali ka kung inaakala mong ‘di ko gagawan ng paraan
Upang malaman mong ‘di ka hahayaan na mag-isa
Panalangin ko na sana’y pagpalain na nga
At ang tiwala’t kamay mo ay mapasa’kin na
‘Di ka mapapahiya
‘Di ka mapapahiya
Aahh…

Malaman mo sanang ako
Ay naghihintay lamang sa ‘yo
(Ako ay maghihintay, sa ‘yo ay naghihintay)
Dahil ang tanging laman nitong puso ko
Ay pangalan mo (ay ang pangalan mo, ay ang pangalan mo)
‘Di mabanggit ang nararamdaman
Aaminin o tatago na lang
Ako ay maghihintay (ako ay)
Sa ‘yo ay naghihintay (sa ‘yo ay)
Sana ay mahalin mo rin
At makuha ang pag-ibig mo

Malaman mo sanang ako
Ay naghihintay lamang sa ‘yo
Dahil ang tanging laman nitong puso ko
Ay pangalan mo
‘Di mabanggit ang nararamdaman (oh)
Aaminin o tatago na lang (ohh)
Ako ay maghihintay (hintay)
Sa ‘yo ay naghihintay (hintay)
Sana ay mahalin mo rin
At makuha ang pag-ibig mo
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20