Nakapagtataka – APO Hiking Society

Walang tigil ang gulo sa aking pag-iisip
Mula nang tayo’y nagpasyang maghiwalay
Nagpaalam pagkat hindi tayo bagay
Nakapagtataka, oh

Kung bakit ganito ang a-king kapalaran
Di ba’t ilang ulit ka nang nagpaalam
At bawat paalam ay puno ng iyakan
Nakapagtataka, nakapagtataka

Hindi ka ba napapagod, o di kaya’y nagsasawa
Sa ating mga tampuhang walang hanggang katapusan
Napahid na ang mga luha, damdamin at puso’y tigang
Wala nang maibubuga, wala na ‘kong maramdaman

Kung tunay tayong nagmamahalan
Ba’t di tayo magkasunduan

Walang tigil ang ulan at nasaan ka, araw
Napano na’ng pag-ibig sa isa’t isa
Wala na bang nananatiling pag-asa
Nakapagtataka, saan ka napunta?

Hindi ka ba napapagod, o di kaya’y nagsasawa
Sa ating mga tampuhang walang hanggang katapusan
Napahid na ang mga luha, damdamin at puso’y tigang
Wala nang maibubuga, wala na ‘kong maramdaman

Napahid na ang mga luha, damdamin at puso’y tigang
Wala nang maibubuga, wala na ‘kong maramdaman

Kung tunay tayong nagmamahalan
Ba’t di tayo magkasunduan
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20