Tayo ay masaya pag sama-sama Hawak kamay tayo sa bawat problema Ikaw, ako, tayo ay isang pangarap Ngunit isang iglap nagbago ang lahat Araw ay naglaho, nagtago, nawala ang init Paggising kay dilim maging kayo’y naglaho rin
Nasaan na, nasa’n ang dating tayo Sa’n nagpunta, sa’n nagtago, bakit ba naglaho? Hindi titigil, hindi susuko Hanggang kayo’y makita at minsan pang mayakap Ang ligayang dati ay anong sarap Muli tayong lahat
Kung alam niyo lang ako’y naliligaw Kailangan ko kayo sa aking buhay Kaya’t magbalik na aking mga mahal