Ngayon – Ogie Alcasid

Ngayon ang simula ng hiram mong buhay
Ngayon ang daigdig mo’y bata at makulay
Ngayon gugulin mo nang tama’t mahusay
Bawat saglit at sandali
Magsikap ka’t magpunyagi
Maging aral bawat mali

Ngayon bago ito ay maging kahapon
Ang pagkakataon sana’y huwag itapon (ooh)
Ikaw, tulad ko rin ay may dapithapon
Baka ika’y mapalingon
Sa nagdaang bawat ngayon
Nasayang lang na panahon

Ituring mong kahapo’y waring panaginip lang
Ang bukas, pangitain n’yang ganda’y sa isip lang
Kung bawat ngayon mo sa ‘yo ay laging sulit lang
Kay ganda ng buhay ngayon

Sa buhay mong hiram
Mahigpit man ang kapit
May bukas na sa iyo’y di na rin sasapit(di na rin sasapit)
Ngunit kung bawat ngayo’y dakila mong nagamit
Masasabi mong kahit na
Ang bukas, di sumapit pa
Ang naabot mo’y langit na

Ituring mong kahapo’y waring panaginip lang
Ang bukas, pangitain n’yang ganda’y sa isip lang
Kung bawat ngayon mo sa ‘yo ay laging sulit lang
Kayganda ng buhay
Bukas mo’y matibay
Dahil ang sandiga’y ngayon

Ituring mong kahapo’y waring panaginip lang
Ang bukas, pangitain n’yang ganda’y sa isip lang
Kung bawat ngayon mo sa’yo ay laging sulit lang
Kayganda ng buhay
Bukas mo’y matibay
Dahil ang sandiga’y ngayon
Ngayon
Ngayon
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20