Paano – Janine Teñoso

Tama, akala ko tama
Na binigay ko ang lahat
Dinala ko ang bigat ng tadhana
Sana, hindi nakilala
Minahal na ng tapat
‘Di pa rin naging sapat sa kanya

‘Di na ba mababalik ang sandali
Mag-isa na naman ba tayong muli
Paano na ang lahat
Paano ang nakaraan
Pa’no na tatapusin ang nasimulan
Ngayon at wala ka na
Pa’no na sasaya, pa’no na

Hindi ko tanggap na sinuko
Ang mundong binago mo
Ngayon ay nagkagulo, muling gumuho
Pangako, ikaw ay nangako
Na wala nang iwanan
Bakit nagtapos na lang sa paalam

‘Di na ba mababalik ang sandali
Oh, mag-isa na naman ba tayong muli
Paano na ang lahat
Paano ang nakaraan
Pa’no na tatapusin ang nasimulan
Ngayon at wala ka na
Pa’no na sasaya

‘Di maintindihan
Wala nang kahulugan
Ang lahat ng nararamdaman
Nang wala ka
Wala ka na

Paano na ang lahat
Paano ang nakaraan, ooh…
Pa’no tatanggapin ngayong ‘di ka na sa akin
Paano na ang lahat
Paano ang nakaraan
Pa’no na tatapusin ang nasimulan
Ngayon na wala ka na
Pa’no na sasaya
Paano na
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20