Pag Nagising Ako (feat. Jillian Ita-as) – Gloc-9

Akoy nanaginip kagabi
Sana ay maulit pang muli
Tanda ko lahat di mamamali
Kung gusto mong malaman to
Ikukwento ko sayo
Pag gising ko

Wala na daw mahirap lahat tayo mayaman
At sa kapangyarihan ay wala na daw gahaman
Kung may nag susumikap
Nagagantimpalaan
Kapag matay dumilat
Laging may kagandahang
Matatanaw
Wala nang uhaw
Nakukuntento
Kasi pare pareho lamang tayo ng porsyento
Pantay pantay ang hatian kasi naka sentro
Puro salamat at walang inggit na kinukwento
Gumagaling lahat ng sakit walang malubha
Tuyuin pag ipinikit matang paluha
Walang mga palad ang sa langit ay naka kura
Ano nga bang ibig sabihin ng salitang dukha
Puro tawa lang ang madidinig mo sa mga bata
May kasiyahan kasaganahan walang kawawa
Ang lahat ng galit ay napapalitan ng awa
Pag mamahal na bayad ang laging sukli sa kapwa

Akoy nanaginip kagabi
Sana ay maulit pang muli
Tanda ko lahat di mamamali
Kung gusto mong malaman to
Ikukwento ko sayo
Ikukwento ko sayo
Pag gising ko

Wala nang mura kasi lahat ay nag mamahal
Para sa mabuti lang ang pinag darasal
Hindi naiinip kung meron mang nag tatagal
Sa buhay di mo na kailangan pa na sumugal
O hanapin ang kapalaran mo sa malayo
Kasaganahay makita mo hindi naka tago
Kinabukasan ay malinaw hindi malabo
Mahal sa buhay na abot kamay
Maipangakong
Masamahang lumaki ang iyong mga anak
Alalayan sila sa kanilang bawat yapak
Makilala ka sa isipan nilay tumatak
Ang Maihele sila sa tuwing umiiyak
Di kaylangan mahati pa sa tama o mali
Di na rin ugat
Ng kasamaan ang salapi
Walang digmaan ang lahat ay mag kakabati
Pinapahalagahan lagi ang bawat sandali
Dahil alam mo na ang bukas ay di nakapako
Hawakan ng mabuti kapag sayo dumapo
Lakasan mo ang loob panabla pati pato
Lumakad man sa baga ay hindi ka mapapaso

Sana lahat ng pangit ay kabaligtraran
At ang kasamaan ay may katapusan
Hilumin mong nag durugo na sugat ko
Nang maimulat at mabuksan ko ang aking mga mata

Akoy nanaginip kagabi
Sana ay maulit pang muli
Tanda ko lahat di mamamali
Kung gusto mong malaman to
Ikukwento ko sayo
Ikukwento ko sayo
Pag gising ko
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20