Pagka’t Nariyan Ka – Sam Mangubat

Di lumipas ang araw
Na di mo naipaparamdam
Pag-ibig mong umaapaw
Sa bawat galaw mo ay alam
Kaya’t ako ngayon ay hayaan
Na isigaw sa buong mundo
At dahil sa iyo hanggang ngayon
Ako’y nakatayo

Di alintana ang unos
Di malulunod sa agos
Anong lakas man ng hangin
Ng bagyong paparating
Hinding hindi masisindak
Kahit pumuti man ang uwak
Mananatili akong matatag

Pagka’t nariyan ka
Pagka’t nariyan ka
Pagka’t nariyan ka
Pagka’t nariyan ka

Pagmamahal na pinangarap
Na tunay walang kapantay
Kapangyarihan ang nahanap
Sa pusong iyong ibinigay
Kapag sa isip ay sumagi na
Ang pag-ibig na ito’y wagas
Kaligayahan na palagi na
Hindi magwawakas

Di alintana ang unos
Di malulunod sa agos
Anong lakas man ng hangin
Ng bagyong paparating
Hinding hindi masisindak
Kahit pumuti man ang uwak
Mananatili akong matatag

Pagka’t nariyan ka
Pagka’t nariyan ka
Pagka’t nariyan ka
Pagka’t nariyan ka

Di alintana ang unos
Di malulunod sa agos
Anong lakas man ng hangin
Ng bagyong paparating
Hinding hindi masisindak
Kahit pumuti man ang uwak
Mananatili akong matatag

Pagka’t nariyan ka
Pagka’t nariyan ka
Pagka’t nariyan ka
Pagka’t nariyan ka

Lagi kang nariyan
Kahit kailan kahit saan
May masasandalan

Pagka’t nariyan ka
Pagka’t nariyan ka
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20