Pamaypay – Gloc-9

Sari-sari ang kwento
Dito sa amin
Baka inimbento
Ng mga mahahahangin
Na ikaw raw ay laging ginagabi
May pamaypay na medyo madumi

Kahit na ano pang sabihin nila (ako ay sa’yo)
Damdamin ko’y hindi na mag-iiba (at paliko-liko)
‘Di malilito ano man ang kahapon mo (tandaan mo ‘to)
Nais ko lang ay makasama kita

Ikaw raw ay laging ginagabi
May pamaypay na medyo madumi
Puso mo na laging nasa isang tabi
Sasamahan ka na ‘di nagmamadali

Ako, ikaw, sila walang pakialam
Sa kung ano mang nararamdaman ko para sa iyo
Mahalaga’y ikaw ay aking mapaglingkuran
Alam ko na sayo’y marami nang nangako
Pero walang natupad
Hawakan mong aking kamay
Gabay mo sa mataas nating paglipad

Kahit na gabi na’y wala pa
Di mo kailangang magpakita ng pruweba
Tila madilim walang makita sa kuweba
Mga matang mistulang nabulag sa alaala ng kahapon
Aalalayan ka na umahon
Pupulutin ang mga nalagas na dahon
Pupunasan ang mga luha na natapon
Para sa’yoy maglalayag kahit malakas ang alon

(Bukambibig) Na ikaw raw ay laging ginagabi
May pamaypay na medyo madumi
Kahit na ano pang sabihin nila (ako ay sa’yo)
Damdamin ko’y hindi na mag-iiba (at paliko-liko)
‘Di malilito ano man ang kahapon mo (at tatandaan mo ‘to)
Nais ko lang ay makasama kita (makasama kita)

Ikaw raw ay laging ginagabi
May pamaypay na medyo madumi
Puso mo na laging nasa isang tabi
Sasamahan ka na ‘di nagmamadali
Na di nagmamadali…
Na di nagmamadali…
Na di nagmamadali…
Na di nagmamadali…
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20