Para Kay Catriona – I Belong To The Zoo

Lakad niya’y tila pag-agos galing sa bulkan
Tinig at ngiti niya ay dalangin nino man
Sa dahan ng pag-ikot niya ay
Dahan-dahan kong naramdaman
Ako ay ako lang
‘Di siya magiging akin kailanman

Busilak ang pusong kay lapit sa maralita
Kita sa kanyang tindig, dinig sa salita
Perlas ng Silanganan at
Ang sansinukob ay siya ang hirang
Ako ay ako lang
‘Di siya magiging akin kailanman

Ako’y maghihintay sa pag-uwi mo’t pagkaway
Parada ng ngiti mo’t nakamit na tagumpay
Habang watawat ay aking winawagayway
Paulit-ulit sa isip ko ay…

Ako’y maghihintay sa pag-uwi mo’t pagkaway
Parada ng ngiti mo’t nakamit na tagumpay
Habang watawat ay aking winawagayway
Paulit-ulit sa isip ko ay…

Pagtingi’y ‘di babalik, ako’y nahihibang
Guhit sa ulap ay naglalaho ang kinang
Pinagpapasalamat at pinagpapasalangit ko na lang
Ako ay ako lang
Buong mundo’y siya ang hirang
Sa panaginip man
‘Di siya magiging akin kailanman
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20