Parang Tayo Pero Hindi – Angeline Quinto

Ano pa ba’ng hanap?
‘Di ba’t wala naman hadlang?
Higit sa magkaibigan.
Ngunit damdami’y may puwang.
‘Di ko malaman kung anong mayro’n sa atin
Hindi masabi kung ikaw nga ba
Ay akin?
Parang tayo, pero hindi.
Natatakot na magkamali.
Nabubulag at nabibingi.
Bakit okay lang na parang tayo
Pero hindi?
Kaya’t puso’y ‘di mapakali.
Nagtitiis kahit may pait sa ganitong…
Parang tayo… Pero hindi.
Parang tayo… Pero hindi.
Lagi nang ‘di napapansin.
Ang orasang kumukumpas.
At sa tuwing magkasiping.
Tila ang init ay wagas.
Ngunit bakit pagdurusa’y ‘di mapawi?
Ang isip ay litong-lito at ‘di mawari!
Parang tayo, pero hindi.
Natatakot na magkamali.
Nabubulag at nabibingi.
Bakit okay lang na parang tayo, pero hindi?
Kaya’t puso’y ‘di mapakali.
Nagtitiis kahit may pait sa ganitong.
Parang kay daming dahilan.
Dahil takot na masaktan.
Paglalaro’y hanggang saan?
Mayr’ong buwis ang buhay na.
Parang tayo… Ooohhhh…
Nabubulag at nabibingi.
Bakit okay lang na parang tayo, pero hindi?
Kaya’t puso’y ‘di mapakali.
Nagtitiis kahit may pait sa ganitong… Parang tayo… Pero hindi…
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20