O naranasan mo na bang masaktan Na kahit anong gawin hindi malimutan O naranasan ko na ring masaktan Kaso ang kaibahan natin ay ang paraan Kung pano ko pinasan hanggang patuloy gumaan
Di kailangan na mag pasikat Ilipat Mo ang dala sa kabilang balikat Nang maingat Katulad ng papel at hawak mo na panulat Dapat sigurado naka sentro ka sa sipat Kung maraming naka hain mag tira Ugaliing ibahagi sa iba Kung hindi ka nakapasok ay baka Napuno na di ka dapat mag taka O kaya ay mag tanim ng galit na matalim Bakit mo naaatim mamalagi sa dilim Ugaliing magising ng maaga pitasin Meron laging mas mahusay Yan ang dapat lunukin
Kasi tandaan na tatanda ka Maiiwan ang mas bata Pero bago ko bitawan ang mikroponong ito Sisiguraduhin kong di mo makakalimutan ang pangalan ko
O naranasan mo na bang masaktan Na kahit anong gawin hindi malimutan O naranasan ko na ring masaktan Kaso ang kaibahan natin ay ang paraan Kung pano ko pinasan hanggang patuloy gumaan
Ito ang aking kwaderno Daming maling sulat na makikita Muntik na akong manghina Pero imbes burahin tinuwid ko na lang ang linya
Wala nang balikan Wala nang atrasan Kung may dapat lingunin Pinanggalingan ko na lang Wala na kong dapat intindihin Sa sasabihin ng iba tungkol sa aking nakaraan Totoo palang maraming harang papunta sa Kalayaan Pag asa’y parang dama talo pag naubusan Mas pinairal ang isipan kesa sa nararamdaman Kailangan kong kumain para may mapatunguhan
Kahit tingin nila sakin minsan paniksik Panakip butas sa mga tulad nilang hilig manaliksik Mas lalong pinakita ang pambihira at totoong bagsik Naniwala ko sa sarili hanggang sa lahat na sila ay bumilib
O naranasan mo na bang masaktan Na kahit anong gawin hindi malimutan O naranasan ko na ring masaktan Kaso ang kaibahan natin ay ang paraan Kung pano ko pinasan hanggang patuloy gumaan
O naranasan mo na bang masaktan Na kahit anong gawin hindi malimutan O naranasan ko na ring masaktan Kaso ang kaibahan natin ay ang paraan Kung pano ko pinasan hanggang patuloy gumaan
O naranasan mo na bang masaktan Na kahit anong gawin hindi malimutan O naranasan ko na ring masaktan Kaso ang kaibahan natin ay ang paraan Kung pano ko pinasan hanggang patuloy gumaan
Iabot mo ang respeto nang ito ay matanggap mo Huwag matakot na umamin Ituro ang tamang landasin Kahit na puno ang gatang ay iwasan mo ang yabang