[Alisson Shore:] Kung kaya kang abutin ay pipilitin Liliparin ‘tungo sa berde na hangin
Malaki ang agwat ‘Di man abot ng lambat Sa kalawakan ng ating isip ay maghahangad
Huwag mo nang tanungin pa Kung bakit silaw sa Liwanag mo Sa dinami dami ng tala sa langit ay Ikaw ang napili ko
Yan ang totoo, mismo Kahit pa sinong magpapukaw Ikaw lang ang pipiliin ko
Iba, o iba Ang aking nadarama Kapag kapiling ka
Iba o iba Napapatula At binibilang ang
Aking mga dalangin Sana ay yong pakinggan Ang panalangin ko’y Mapa sa’yo lang
[Nara:] Ano mang direksyon Kahit san man tayo mapunta Basta’t kasama ka ay para bang walang problema
Mag-aabang kahit Mailap man o magalit ‘Di hahayaang masungkit ang talang nang-aakit
[Alisson Shore:] Maraming nakatingala nagmamasid Ngunit iisang kislap lang ang bumabalik Ang halik na galing sa diwata Nung tinimpla ng tiga Abra yung gayuma
‘Di ko maipaliwanag ang Misteryo nating dalawa’t Pagibig mong kaka
Iba, o iba Ang aking nadarama Kapag kapiling ka
Iba o iba Napapatula At binibilang ang
Aking mga dalangin Sana ay yong pakinggan Ang panalangin ko’y Mapa sa’yo lang
Tatlong taong may handog at nasa puting kabayo Tinahak ang daan galing kabilang ibayo Sinundan ang liwanag sa taas at dumayo Saksihan ang sugo na nagkatawang tao
Nakit parang ang labo labo na ‘Di na matanaw at maipinta Kahit man ganon ay pilit na Hahanapin ka
[Nara:] Aking mga dalangin Sana ay yong pakinggan Ang panalangin ko’y Mapa sa’yo lang
[Alisson Shore:] Ang bituin ay akin Ikaw lang ang Polaris ko (Oh oh oh yeah yeah) San mang kalawakan ay siyang Hahanapin ko (Oh oh oh yeah yeah)
Ang bituin ay akin Ikaw lang ang Polaris ko (Oh oh oh yeah yeah) San mang kalawakan ay siyang Hahanapin ko (Oh oh oh yeah yeah)