Oh mahal na prinsesa ako ay nagbighani Nabihag ang puso ko sa ganda mong bukod tangi Ambon sa bahaghari Ulan ng bulalakaw sa langit Hangin sa akin nag aapoy na damdamin Kamahalan, Paraluman ng kaharian sa ulap Papaano Mapapalapit sayo tong taga lupa Suntok sa buwan totoo yan Gayun pa man gusto ko lang Umaraw man o umulan Ikaw ay mapayongan
Oh mahal na prinsesa ako’y nahuhumali Hindi ko akalain ika’y natutuwa rin Sarap mong kasama at ang saya mong kausapin Kaya yung “Kahit hindi makatunog nagtutugma rin” Para sakin, ikaw lang para sakin Danaw sa abot tanaw para sa uhaw na matanglawin Ang mata mo ang mga mata mo papangarapin Hahanap-hanapin hangga’t matupad ang pangitain
Binibini wag kang mag-alala Takas tayo sa lanay Tagong tago sa matamlay Maglalakbay hanggang magka-akbay Mga darili magkayakap habang magkahawak Ang ating mga kamay Magkatabi sa tabing dagat, habang dapit hapon Hanggang mag bukang liway-way
Oh mahal na prinsesa dragon ang yong naakit Nahalina sa pag-awit, mo na merong magik Kaalama’y karagatan sarap sumisid ng malalim Abutin ang mga bituin sakay ng lumilipad na carpet Tayo na sa iba’t ibayo ng munting planeta O byahe pabalik ng panahon sa makinang na kalesa Katayuan ko sumpa gipit kasi gipit sa oras Nagdurugo ang puso kong pilipit sa tinik ng rosas
Oh mahal na prinsesa pano ba yan? Napaamo mo ang bakunawa Magpakatao nalang Alang-alang sa pag-ibig Di mo ba ramdam Ang nadarama ngayong gabi simoy palang yan Na kinukulayan ang mundo ko at galaxia Sayang ang pagkakataon kung noon ko lang nakita Eh di sana matagal ng abot langit yong ngiti ko Lakas ng tama ko sayo laging positibo
Binibini wag kang mag-alala Takas tayo sa lanay Tagong tago sa matamlay Maglalakbay hanggang magka-akbay Mga darili magkayakap habang magkahawak Ang ating mga kamay Magkatabi sa tabing dagat, habang dapit hapon Hanggang magbukang liway-way
Oh mahal na prinsesa sayo ako napain Na dagit talas ng isip mo ang kalawit Walang takas sa kagandahan Walang kawangis, walang labis Walang kulang, sadyang walang kaparis Sa ganda mo sinta lubos akong namamangha Pangako ko sa ilog mo lang ako mamamangka Siguro nga di ko alam ang yong tunay na halaga Pero lam kong mahal kita at yun ang mahalaga
Oh mahal na prinsesa meron akong surpresa Balot na sa gabundok na alikabog anong probema Sa dami mong misyon sa buhay nakukunsensya Kung sa tingin mo di ko kinaluugod ang yong presensya Pasensya kana at paumahin kahit di ka mapasakin Ako ay sayo parin Ano man ang dumating kahit di mo ko piliin Di ka pipilitin dahil ibig lang kitang ibig kaya
Binibini wag kang mag-alala Takas tayo sa lanay Tagong tago sa matamlay Maglalakbay hanggang magka-akbay Mga darili magkayakap habang magkahawak Ang ating mga kamay Magkatabi sa tabing dagat, habang dapit hapon Hanggang mag bukang liway-way