‘Di ba sabi mo noon Walang bibitaw sa ating dalawa Pinangako mo pa ‘yun Ako lang talaga’t walang iba
Walang iba, sumagot ka naman Gusto ko lang naman maintindihan Kung ano talagang naisipan Please lang, gumawa ka ng paraan
Para ako’y makita, para ako’y matikman Alam mo ba miss na miss na kita Baby, halika na Sobrang lungkot na talaga
‘Pag wala ka dito sa tabi ko Lalo na ‘pag napaisip pa sa ‘yo Wala nang magawa kung ‘di tumulog na lang Para ikaw ang mapanaginipan ko
Ikaw ang nasa puso’t isipan ko At panalangin na habang buhay na ‘to
Nung ika’y lumapit Ako’y biglang napakapit Nagtataka kung bakit Muli kang sumasabit Sa buhay ko ‘Di ba tapos na tayo Ano ang dahilan bakit ka pa naririto
Bakit nga ba hinayaan Natin ‘to na mawala Ano nga ba ang mga rason na sa atin nagdala Na tapusin nang maaga ang ating nasimulan
Hindi na natin maibabalik Mga panahon na dating tayo ay sabik Dahilan kung bakit tila nawalan na ng gana Magbigay ng pagpapahalaga at umibig pang ulit
Yah!
Sabihin mo sa ‘kin ano ang problema kung ba’t narito Hindi ‘yung babalik ka lamang kung kailan mo lamang gusto Handa naman akong magsilbing balikat kapag malungkot Pero asahan mo na ‘di na ‘ko babalik At ‘yan ang totoo
Nung ika’y lumapit Ako’y biglang napakapit Nagtataka kung bakit Muli kang sumasabit Sa buhay ko ‘Di ba tapos na tayo Ano ang dahilan bakit ka pa naririto
Pero… Hanggang ngayon ay sariwa pa rin Ang mga alaala na iyong iniwan ‘Di basta matalikuran madalas Balik-tanawin, gano’n ka pa rin Walang pinagkaiba sa dati nung ikaw ay makilala
Mga oras na kasama kita ay maligaya Ako’y nagsunud-sunuran Ngunit ang ‘yong balak Lang pala nung umpisa pa lamang ako ay utuin
Ako naman si tanga Na umaasang kaya mo rin akong mahalin Ang galing mo rin, dahil alam mo na ‘di kita matitiis Kaya ‘di ko na ninais na muling mapalapit
Kaya kung pwede ba ay lumayo ka sandali Isipin ko muna kung puso ba ay susundin Sapagkat ako’y dala na pagod na kakaluha Sa bangungot mong dala ay matagal nang nagising
Ngayo’y nagbabalik Ikaw ba ay nananabik Sa ‘kin o sadyang wala ka lang matakbuhan Ano ang katotohanan ng ating kamustahan Nandyan kapag may kailangan tapos ako’y tatalikuran
Ngayo’y nagbabalik Ikaw ba ay nananabik Sa ‘kin o sadyang wala ka lang matakbuhan Ano ang katotohanan ng ating kamustahan Nandyan ka kapag may kailangan tapos ako’y tatalikuran
Paligid ay palaging masyadong malamig Itong pag-ibig natin aminadong nasaid Kahit pa pilitin nating tumawid Alam ko na wala rin namang makikinig
Kapag ka sumasagi ay nakakasabik Muli na maranasan ulit na makilig Kaso mukhang malabo na yatang bumalik Kung ating napamukha na isarado ang bibig
Bintana’y binuksan at idinungaw ang mata Nakita kita na ikaw din ay nag-iisa Ako ay bumaba na para makausap kita Kahit na pano’y lumuwag ang paghinga
Hindi talaga natin gustong magkaganito Alam ko naman na ayaw mo na rin ng gulo Kaso sa totoo lang kasi ay aminado Ako na hindi na din kita kaya na masalo
Nung ika’y lumapit Ako’y biglang napakapit Nagtataka kung bakit Muli kang sumasabit Sa buhay ko ‘Di ba tapos na tayo Ano ang dahilan bakit ka pa naririto
Ngayo’y nagbabalik Ikaw ba ay nananabik Sa ‘kin o sadyang wala ka lang matakbuhan Ano ang katotohanan ng ating kamustahan Nandyan ka kapag may kailangan tapos ako’y tatalikuran