Sa Isang Pangarap – Andrea Brillantes (from “Lyric And Beat, Vol. 01” soundtrack)

Tooo dooo tooo doooo
Tudurutduttutooo…
Sa isang pangarap…

Napakalayo ng tingin bakit
Napakalayo ng pangarap
Ngunit hindi mappipigilan kahit
Sino man sa ‘kin iharap
Mailap, ‘di isang iglap
Kahit maagap, mahirap
Tinatanggap hamon na magsusumikap
Ilang beses pa mang masasaktan
Magpapatuloy lang

Sa isang pangarap
Na mailap parang kay hirap abutin
May isang pangarap
Na tinatahak mahirap man tuloy tuloy tuloy ko lang

Tooo dooo tooo doooo
Tudurutduttutooo…
Sa isang pangarap…

Sa buhay daming pagkakamali
Nais kong humingi ng tawad
Mga kahapo’y ‘di mababalik
Bukas ay ating kaharap
Upang baguhin ang mali
Nang ‘di maulit pasakit
Mga tinik sa puso nati’y pumunit
Lahat naman ay nagkakamali
Mahalaga kung paano ka babawi

Sa isang pangarap
Kahit na mailap pilit pa ring aabutin
Iisang pangarap
Ating tinatahak mahirap man tuloy tuloy tuloy pa rin

Pait ng nakaraan ating limutin
Alalahanin kung gaano natin
Minahal ang isa’t isa

Tooo dooo tooo doooo
Tudurutduttutooo…
Sa isang pangarap…

Tooo dooo tooo doooo
Tudurutduttutooo…
Magkasama sa isang pangarap…

Sa isang pangarap
Na mailap sabay nating aabutin
Iisang pangarap
Na tinatahak kaya tuloy tuloy tuloy tuloy pa rin
Ooh ooh…
Sa isang pangarap
Ohh ohh…
Magkasama tayo sa iisang pangarap
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20