Saglit Na Lang – Sarah Geronimo (from “Unforgettable” soundtrack)
By
Yakap, hanap Sa tuwing paggising ko ‘Sing tamis ng huni ng ibon Ang haplos ng tinig mo
Kasama kita sa Lahat ng panahon Kahit na malayo ka ngayon Asahan mong ako’y paroroon Kumapit ka…
‘Wag ka nang mangangamba, sinta Ako ay darating Giliw, saglit na lang Saglit na lang ‘Pag nariyan na’y kakanta Ng himig nating kay lambing Giliw, saglit na lang Saglit na lang
Aawitan ka ng… La la la… la la la…
Ikaw lang ang tanging Kumalinga ng gan’to ‘Di ko kaya ni saglit man lang Na sa ‘yo’y mapalayo
Yakap, hanap Hanap sa tuwina Kung kaya’t hindi alintana Ang hadlang na naglilipana Kumapit ka…
‘Wag ka nang mangangamba, sinta Ako ay darating Giliw, saglit na lang Saglit na lang ‘Pag nariyan na’y kakanta Ng himig nating kay lambing Giliw, saglit na lang Saglit na lang
Aawitan ka ng…
Lalalalala lulay mong lagi kong Dala-dalang tunay sa aking Alaala lalala Nababahalang lilisan ka na Lalala lala laban pa Liban lang kung ‘di na kayang Kumapit pa…
‘Wag ka nang mangangamba, sinta Tulog na nang mahimbing Giliw, ipikit mo lang Ipikit mo lang Narito ako’t kumakanta Ng himig nating kay lambing Giliw, makinig ka lang Makinig ka lang