Paano mo patatahimikin ang isang bunsong iyakin Huhunihan ni inay ng la-la-rin la-rin Paano mo patatahanin ang pagtatampo ni Neneng Pasalamat ka’t my awit na kakantahin
Sa mga indayog tayo’y napapasayaw At sa labis na galak ay napapasigaw, wow Ang mga kirot sa puso ay lumilipad Ang mga mithi ay natutupad
Salamat, salamat musika Lahat ng panahon, maaasahan ka Salamat, salamat musika Itong munting mundo ay napapasigla
Ang mga bituin sa langit at mga kathang isip Ay hindi sapat upang mabuhay ang daigdig Ang magagandang tanawin, mga tulang malalim Kukulangin din upang tayo’y aaliwin
Aanhin ang kayamanang ‘di madadala Aanhin ang kagandahang pansamantala, ha Ang katahimikan ba ay may magagawa Upang ihayag ang nadarama (napapasaya)
Salamat, salamat musika Lahat ng panahon, maaasahan ka Salamat, salamat musika Itong munting mundo ay napapasigla
Salamat, salamat musika Lahat ng panahon, maaasahan ka Salamat, salamat musika Itong munting mundo ay napapasigla
Salamat, musika Salamat, musika (Salamat musika) Salamat musika