Nalaman kong hindi lang ako At ‘di rin totoo Na ako lang iniibig mo Ayoko sanang maniwala Sa bali-balita Baka isipin mo’y wala akong tiwala
Ngunit minsa’y nakita ko Kausap mo’y iba at kayakap mo Paliwanag pa ba ang kailangang marinig sa ‘yo
Sana’y hindi ko na nakita Nang ‘di na ako nasaktan pa Dahil sa ‘yo, ngayo’y lungkot ang nadarama Ganyan ba ang ugali mo Nagbibilang ka at ‘di makuntento Sayang naman itong damdamin ko sa ‘yo
Hindi lang mi-minsang nakita Mayro’n kang kasama At napansin ko’y papalit-palit ka Nabuo nga sa isipan ko Na kabilang ako Sa karamihan ng iyong niloloko
Dahil nga sa nakita ko Kausap mo’y iba at kayakap mo Paliwanag pa ba ang kailangang marinig sa ‘yo
Sana’y hindi ko na nakita Nang ‘di na ako nasaktan pa Dahil sa ‘yo, ngayo’y lungkot ang nadarama Ganyan ba ang ugali mo Nagbibilang ka at ‘di makuntento Sayang naman itong damdamin ko sa ‘yo …