Ginawa ko naman lahat Sumugal ako kahit alam kong talo Iginugol ko lahat ng oras ko sayo Para maramdaman mo lang na ganyan kita kamahal
Pero pang wala lang sayo Ang lahat ng mga paghihirap ko
Sana’y di nalang kita nakilala Sana’y di nalang kita nakasama Sinaktan mo lang ako Sana’y di nalang kita minahal
Di na sana nagising sa magandang panaginip Kung madaratnan ko lang Ang umagang kay sakit Di na sana niyakap Ang kuwari mong pagtingin Para di ako nasugatan Sa ginawa mong patalim
Pero parang ayos lang sayo ang lahat Kahit na ako’y sugatan
Sana’y di nalang kita nakilala Sana’y di nalang kita nakasama Sinaktan mo lang ako Sana’y di nalang kita minahal
Nung una kitang makilala halos napakasaya ko Halos di maipinta ang mga ngiti sa labi ko Halos sabay tayong nag gugoodmorning sa isat isa Yung tipong sabay tayong nagaalala At tanong na kumain kana ba at asan ka Yung lambing na di na tayo mapaghihiwalay Kaso lahat ng yon ay akala ko lang pala Dumating ang umaga na nagbago kang bigla Yung lambing, pagmamahal tuluyan na ngang nawala Nasan na yung dating Yung dating ikaw na kapag kasama ko Yung puso koy humihiyaw Mahal Miss na miss na kita Kailan kaba babalik Miss ko na ang yung yakap at tamis ng yong halik Pero kung usapan pagbabalik Mukang malabo na Dahil lahat ng pagkukulang ko Wala e Napunan na ng iba
Sana’y di nalang kita nakilala Sana’y di nalang kita nakasama Sinaktan mo lang ako Sana’y di nalang kita minahal