Sanib ‘yan ang tawag Daming humahawak Dahil sa naranasan ko Nasan ang albularyo?
Malalim na ang lamat Na bumabagabag Sana’y mapatawad mo Pakisabi kay Rosario
Isang umaga may tumawag Kakaligpit ko lamang ng nilatag Hinigaan ko nung gabi Hinihingal at di niya maipaliwanag Basta sumama daw ako Ito’y para sa babae niyang apo Nakatulala sa kusina Sa may kalan Tapos ay kumakain ng abo
Umiiyak nakangiti Kahit puro pasang Kanyang mga binti May nakabakas na kamay Nang hinimatay Di nako nag atubili Nagbihis ng telang mahaba Kung minsan ay may Disenyong magara Isinuot ang kwintas Na bawal mapigtas at Maging mali palaging tama
Tubig sa boteng malumot Parang karayom Malalim tumusok Nang dumampi sa balat Siya’s napaso Agad umaangat ang itim na usok Libro ng mga libro Sagot sa lahat ng Mga tanong mo Kinakabahan na pumasok Matapos akong tawagin pero Kaya ko ‘to
Malamig pero pinapawisan Ako na siyang dapat Na pamarisan Sa lahat ng kaibigan At puwedeng sabihan ng Lihim na iniingatan Nasa harapan ng pinto Sige kayo na po ang bahala Siya ay nakatali Pag pasok ko napahinto Hindi nakakibo dahil sa kaniyang mga sinabi…
Sanib ‘yan ang tawag Daming humahawak Dahil sa naranasan ko Nasan ang albularyo?
Malalim na ang lamat Na bumabagabag Sana’y mapatawad mo Pakisabi kay Rosario
Kamusta ka na Padre Sanchez? Buti napa daan ka ano Sige tuloy ingat lang Baka madulas ka Sa mga suka ko Mala kumunoy Alam mo na siguro kung Bakit ako naparito Kung di pa rin ay Di makahintay sige Iisa-isahin ko sa’yo
Ganda naman ng relo mo ah Alam kong marami Ka pang iba Sa dami ng nakokolekta Niyo kada linggo Sige san mo dinadala? Meron ka daw bagong kotse? Dala-dalawa Hindi lang isa Mga malalawak na lote Ang bahay niyo Biglang nag-iba
Baka naman Nagsumikap Kaya nagkalaman Ang mga mahihirap Kaniyang Mahandugan Tanso ginto at pilak Laging kumikinang Sugat na humihilab Pilit tinatakpan
Dami nang kwento na Sakin ay laging Dumarating Bakit nag-iiba Pag ika’y Nakatago sa dilim Ang pinapakita mo Sa ilan na ikaw Ay palihim Nasubukan mo na bang Magdasal sa harap Ng salamin?
Sanib ‘yan ang tawag Daming humahawak Dahil sa naranasan ko Nasan ang albularyo?
Malalim na ang lamat Na bumabagabag Sana’y mapatawad mo Pakisabi kay Rosario
Para akong binuhusan ng Tubig sa pawis Sa bawat pader napahagis Galos sa mukha Napalabis Aking nais Na magawa’y naabot din Tulog na siya sige Pagpahingahin Nang ako’y tumalikod Halos natisod Nang madinig ang hinaing
Teka muna di pa tayo tapos Simula palamang Ng pagtutuos Kahit ika’y humilagpos Sana’y sumunod ka din Sa mga utos ng Diyos Di ka na Naawa sa akin Tahimik na nananalangin Hindi ko sukat akalain Nung araw na yun Ako’y nakapain
Nagkapasa sa Mga hawak mo Kasing itim ng binabalak mo Natatandaan mo pa ba ako? Rosario nga pala ang Siyang pangalan ko Huwag kang Umasta na nalilito Ikaw ang may kagagawan nito Matagal ko nang inisip Inasam hinintay ang Pagkakataong ito
Nakakandado nang Lahat ng pinto Malakas na hangin di humihinto Hindi ka makakakibo Pag sa sarili mong dugo Ikaw ay paligo Ngayon ako ang siyang magbibigay Ng sermon dahil iyong tinangay Ang aking dangal kaya di nagtagal May batang babaeng nagpakamatay
Sanib ‘yan ang tawag Daming humahawak Dahil sa naranasan ko Nasan ang albularyo?
Malalim na ang lamat Na bumabagabag Sana’y mapatawad mo Pakisabi kay Rosario