Sige Lang – Andrea Brillantes

Iyong suungin ang pagsubok
Upang ang buhay ay lalo pang mahubog
Natural ang manghina at mapagod
Pero wag kang hihinto aabutin ang tugatog
Sige lang ng Sige, Sige
Sige lang ng Sige, Sige
Alisin ang pangamba na sa daan umabala
Sige lang ng Sige, Sige
Sige lang ng Sige, Sige
Dadating din ang umaga na maaabot ang tala

Ano mang mga pagsubok ang maranasan mo
Ay wag kang hihinto tuloy tuloy lang sa takbo

Lagay man ay dihado wag kang magpapatalo
Dahil kung kaya ko ito din ay kaya mo

Dahil ang imposible kayang gawing posible
Ng Dios na tanging maaasahan lagi

Ikaw ay magtiwala lahat ay makakaya
Magiging sigurado din ang yong inaakala

Haaaaaa
Wag kang mangangamba
Pangarap abutin
Sintayog ng bituwin
Hanggang na sa kamay mo na

Iyong suungin ang pagsubok
Upang ang buhay ay lalo pang mahubog
Natural ang manghina at mapagod
Pero wag kang hihinto aabutin ang tugatog
Sige lang ng Sige, Sige
Sige lang ng Sige, Sige
Alisin ang pangamba na sa daan umabala
Sige lang ng Sige, Sige
Sige lang ng Sige, Sige
Dadating din ang umaga na maaabot ang tala

Palaging positibo itatak sa isip mo
Ngumiti ka lang palagi kung ikaw ay nanlulumo

Marami man ang harang sayong dinadaanan
Upang malampasan talunin mo ang yong kalaban

Iyong matutungtong tugatog ng bundok
Ibuhos ang lakas kung ito ay isang suntok

Idaan sa panalangin ang yong mga hangarin
Magpasalamat sa biyaya na sa Dios nanggaling

Haaaaaa
Wag kang mangangamba
Pangarap abutin
Sintayog ng bituwin
Hanggang na sa kamay mo na

Iyong suungin ang pagsubok
Upang ang buhay ay lalo pang mahubog
Natural ang manghina at mapagod
Pero wag kang hihinto aabutin ang tugatog
Sige lang ng Sige, Sige
Sige lang ng Sige, Sige
Alisin ang pangamba na sa daan umabala
Sige lang ng Sige, Sige
Sige lang ng Sige, Sige
Dadating din ang umaga na maaabot ang tala

Mga binhi ay tutubo
Uusad na maging puno
Gabi ay meroong dulo
Na Umaga

Iyong suungin ang pagsubok
Upang ang buhay ay lalo pang mahubog
Natural ang manghina at mapagod
Pero wag kang hihinto aabutin ang tugatog
Sige lang ng Sige, Sige
Sige lang ng Sige, Sige
Alisin ang pangamba na sa daan umabala
Sige lang ng Sige, Sige
Sige lang ng Sige, Sige
Dadating din ang umaga na maaabot ang tala
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20