Sige Lang X Pagsisiga Sa Tabing Dagat Mash-Up – Quest & Juan Miguel Severo
By
Kung ako sayo tumayo ka ng dyan Huwag ka nang magpahuli kami ay sundan Patungo sa liwanag, aabutin ang tala Pagkatapos pakita sa mundo pusong nag babaga Unang lahat ay mamulat sa aking susulat Parinig sa lahat ang aking iuulat Huwag ka nang mabahala ako ang bahala Kasangga natin si Bathala
Ikaw na umibig sa kanya, umibig ka pa Ibigin mo siya sa kabila ng kanyang mga pagkukulang Ibigin mo siya para sa kanyang mga pagkukulang Basta’t umibig ka pa Ito ang iyong pagkakataon, ang hinihintay na sandali Maging mas malaki maging buo maging parola ng dilim Maging pantalan, buksan mo ang iyong mga kamay Para sa pagragasa ng mga alon Sanayin ang iyong dibdib sa pagtanggap Sa kanilang mga inaanod hindi lang sa kanya, umibig ka Ibigin mo siyang mukhang di maalala Sa araw-araw na pagsakay ng tren Silang ibang wika lang ang kayang bigkasin Silang duguan, silang markadong makasalanan Ibigin mo ang batang nag aalok sayo gabi-gabi ng bulaklak Yan ang halimuyak ng isang kuwentong nagpupursige Sa labas ng yong mundo, ibigin mo ang kanilang mundo
Ilabas ang yong pangarap Huwag mo yang itatago Samahan mo ng sipag at tatag ng puso Tumayo ka sa yong silya Ikaw ngayon ang bida Wala nang pipigil pa eto na, eto na
Ibigin mo tong mundo sa kabila ng taglay nitong dilim Hayaan mo ang sariling magningning Tandaan ikaw ay anak ng araw at mga bituin Kaya mong kuminang isinilang ka man sa gitna ng gabi Kaya sindihan ang iyong ilaw Wag mo tong ikahiya, ngayon higit sa kailanman Kailangan ng mundo ang iyong apoy Yung alab na walang tinutupok na lungsod o kagubatan Walang inaabong bahay dasalan o sayawan Walang inaabong silid-aralan Walang pinapatay ang pag-ibig Kundi ang dilim Kundi ang dilim
Hanggang ako’y humihinga Sugod lang laban pa Pangarap abutin Kumislap tulad ng mga bituin Sige lang, di ka nagiisa Sige lang sige pa!
Kaya heto, ito ang iyong imbitasyon upang magliyab Heto ang balitang ituring mong panggatong Heto kaming mga kaibigang kiligin sa’yong siga Nakaupo sa buhangin, nakabantay sa dalampasigan Makikinig sa kuwento at pipilitin Na piliin ang pag-ibig sa simula hanggang huli Mahaba pa ang gabi Pero magniningning pa rin ang ating apoy sa tabing dagat At sinong umiibig? Ang hindi handang magpuyat Sinong umiibig? Ang hindi handang magpuyat
Walang imposible sige lang ng sige Abot mo ang mundo Malapit o malayo sama sama tayo Hanggang sa dulo Ano man ang pagsubok Hindi susuko, alam kong kaya mo Sige lang sige! Sige lang sige! Walang imposible!
Walang imposible! Walang Imposible! Sige lang sige! Sige lang sige!