Simula pa nung una hindi na maintindihan nararamdaman Naging magkaibigan ngunit di umabot ng magka-ibigan Tanggap ko yun nuon, kampante na ganun nalang Sapat na na kasama kita kahit hanggang dun nalang
‘Di nalang ako lalapit ‘Di nalang titingin Para hindi na rin mahulog pa Sayo’ng mga mata
Siguro nga hindi na dapat na umasa pa Di naman inaasahan Di naman sinasadya Pero alam ko rin naman Hanggang dito nalang Lilimutin ang damdamin Isisigaw nalang sa hangin Mahal kita Mahal kita
Sinubukan ko naman na pigilang ang nararamdaman Kahit mahirap lumayo at umiwas sayo… Hirap paring hindi lumapit di maiwasang tumingin Mukha yatang ako’y nahulog na Sayo’ng mga mata
Siguro nga hindi na dapat na umasa pa Di naman inaasahan Di naman sinasadya Pero alam ko rin naman Hanggang dito nalang Lilimutin ang damdamin Isisigaw nalang sa hangin Mahal kita Mahal kita
Nakatingin mula sa malayo Tanggap ko nga ba ‘to? Sapat na nga ba ‘to?
Nung ako’y lumapit Nasayo lang ang tingin Hinawakan ang iyong kamay Pero iyong sinabi…
Siguro nga hindi na dapat na asahan ka Sa tagal kong naghihintay sayo, nagmahal na ng iba Tinuruan niya akong tanggaping wala ang pagibig mo Saakin Saakin…
Nilimot na ang damdamin Tinangay na rin ng hangin Mga salitang hindi nasabi…