Ito na’ng ating unang pahina Ang hakbang sa pagiging isa Na pang habang buhay
‘Wag mangamba ang pag-ibig ang ating punla May Kapal ay syang may akda Sa’ting paglalakbay
Balikan ating dahilan Pagnakalimutan na ating sayaw Kumupas dating pagtingin At kung ang dulo ay natatanaw Sumpaan ay gunitain Tayo ay babalik, babalik sa simula
Kung dumating man Ang unos na dala ng ulan Lagi mong pakatatandaan Yakap ko’y silungan
Balikan ating dahilan Pagnakalimutan na ating sayaw Kumupas dating pagtingin At kung ang dulo ay natatanaw Sumpaan ay gunitain Tayo ay babalik, babalik sa simula
Kung maliligaw Ikaw ang linaw ‘Di ka bibitawan Sa sigwa o araw Dilim o bughaw Ikaw ang sigaw
Pagnakalimutan na ating sayaw Kumupas dating pagtingin At kung ang dulo ay natatanaw Sumpaan ay gunitain Tayo ay babalik Babalik
Pagnakalimutan na ating sayaw Kumupas dating pagtingin At kung ang dulo ay natatanaw Sumpaan ay gunitain Tayo ay babalik Babalik Tayo ay babalik Babalik Tayo ay babalik Babalik … sa simula