TAGPUAN – Alisson Shore

Alam mo na kung san to papunta
Sa byaheng mahiwaga’t tayo lang dalawa
Ang pasahero ng sikreto ko
Makinig ka’t sayo ko lang sasabihin ‘to

Palawakin na ang isip
Ibuga ang nag-iinit
Usok lang ang siyang pagitan sa nagbabagang
Labi nating may balita’ng
Susi sa kandadong diwa’ng
Lagusan ng patutunguhan

Dun tayo sa tagpuang
Walang may alam
Mga harang sa daan
Walang pakialam
Dun tayo sa tagpuang
Ikaw ang laman
Mga harang sa daan
Walang pakialam (alam)

Ko na di dapat tayo nandito
Pero bakit ba ang bawal ang siyang mas nais mo
Dating gawi, pagsapit ng dilim
Linguni’t pansinin kung lahat na ba ay mahimbing

Bihasang magbalasa, chow palagi sa baraha
Patungo ‘to sa buwan kahit tawagin mo pa’ng NASA
Ipu-ipo ang dala’t minulat ang pag-asa
Tawagin mo kong Tokyo, main papel sa la casa

‘Di to madalas, hindi malimit
Tamang usok lang, sabay ang hithit
Sa buga ng labi ang upos ay nag-iinit
Matang mapula ay tiyak na lilipad sa langit, ohh

O kay bilis
Ng pagtakbo ng ating oras
Sa pag-alis
Mo’y kalimutan

Ang ating tagpuang
Walang may alam
Mga harang sa daan
Walang pakialam
Dun tayo sa tagpuang
Ikaw ang laman
Mga harang sa daan
Walang pakialam (alam)

Dun tayo sa tagpuang
Walang may alam
Mga harang sa daan
Walang pakialam
Dun tayo sa tagpuang
Ikaw ang laman
Mga harang sa daan
Walang pakialam (alam)

Dun tayo sa tagpuang
Ikaw ang laman
Mga harang sa daan
Walang pakialam
Dun tayo sa tagpuang
Ikaw ang laman
Mga harang sa daan
Walang pakialam (alam)
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20