Tala – Unit 406

Lumulutang sa kawalan
Konsensyang naliligaw at
Yakap yakap kapanglawan

Bilanggo ng isipan
Nalulunod sa katanungan
Wala na bang kahulugan

Paikot ikot lang
Ayoko na

Ibigay na sa akin
Ang salamin at sisilip
Ang puso ko sa nakaukit sa tala

Di makukuha sa mahika
At pagbigkas ng abrakadabra
Pagibig na walang hanggan

Dakilang manlalakbay
Sa hangin sumasabay
Walang mapang dala

Paikot ikot lang
Ayoko na

Ibigay na sa akin
Ang salamin at sisilip
Ang puso ko sa nakaukit sa tala

Pakiusap ay dinggin
Sinisigaw ng damdamin
At puso ko
Sa nakaukit sa tala

Kailan nga ba kikinang
Tala sa aking mata
Kailan
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20