Tulad ng isang ibon, tao ay lumilipad Pangarap ang tanging nais na marating at matupad Isip ay nalilito pag nakakita ng bago Lahat ng bagay sa mundo ay isang malaking tukso
Bakit pa luluha Bakit maghihirap Ayaw mang mangyari Ay di masasabi Sasaktan mo lamang Puso ay ‘wag sugatan Ito’y laro lamang Sa mundong makasalanan
Tubig ay natutuyo, bulaklak ay nalalanta Araw ay lumilipas, sa gabi rin ang punta
Bakit pa luluha Bakit maghihirap Ayaw mang mangyari Ay di masasabi Sasaktan mo lamang Puso ay ‘wag sugatan Ito’y laro lamang Sa mundong makasalanan
Tulad ng isang ibon, tao rin ay namamatay Pangarap ang tanging nais, makarating sa kabilang buhay