Tilaluha – SB19

Sa tuwing ika’y nakikita
‘Di mapigil ang luha sa aking mata
Paano nga ba? Paano nga ba?
Paano nga ba’ng limutin ka?
Kung sa puso ko ika’y nag-iisa

Mali ba na ako’y umaasa?
Tama ba’ng nadarama para sa’yo sinta?
Bakit nga ba? Bakit nga ba?
Bakit nga ba mahal kita?
Kung sa puso mo ay mayroon nang iba

Unti-unting lunurin ang aking nadarama
O buhos ng ulan, ‘wag ng tumila pa
Paano nga ba mapapawi, labis na pagdurusa?
Kung wala nang pag-asa, turuan mo naman akong limutin ka

Kahit na ula’y tumila na
Luha sa aking mata’y patuloy pa
Ano nga ba? Ano nga ba?
Ano nga ba’ng magagawa
Kung hanggang ngayon ay mahal pa rin kita?

Unti-unting lunurin ang aking nadarama
O buhos ng ulan, ‘wag ng tumila pa
Paano nga ba mapapawi, labis na pagdurusa?
Kung wala nang pag-asa, turuan mo naman akong limutin ka

Lahat din ay mawawala
Kasabay ng pag-tila ng nadarama

Unti-unting lunurin ang aking nadarama
Unti-unting lunurin ang aking nadarama
O buhos ng ulan, ‘wag ng tumila pa
Paano nga ba mapapawi, labis na pagdurusa?
Kung wala nang pag-asa, turuan mo naman akong limutin ka
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20