Matagal na kitang sinusundan Tinititigan at hindi maiwasan Na ikaw ay ‘di tignan sa malayuan At pinag-iisipan ko kung anong paraan
Para ikaw ay malapitan kaso malayo ang pagitan Hanggang kailan kaya mag-aabang kung may mapapala Sa ‘king ginagawa na ‘pagka tumaya ay ‘wag mapahiya ohh…
Ewan ko kung pa’no ko bibitbitin Yung pagtingin ko kasi kung hanggang tingin lang ay bitin Ayoko rin naman ‘to kimkimin kaso mukhang Hindi ko pa rin ‘to sa ‘yo kayang banggitin
At baka isnabin mo lang at ‘di mo pansinin Bitin kahit ano pa man ang aking inumin ‘Yung tapang ay wala pa rin sa’n ko hihiramin Kahit maglasing wala rin kung paggising ko duwag pa rin
Pa’no sasama kung hindi ako nag-aaya Pa’no tatama kung hindi ako tumataya Minsan iniisip ko na ‘wag na lang kaya Kaso yung isip ko ay nagbabago din maya-maya
At sobra sa pag-asa kulang sa kumpiyansa Kaya mukhang malabong magka-tyansa Gusto ko lang naman ay maging Popoy mo Basha ‘Yun ang matagal ko nang pantasya
Matagal na kitang sinusundan Tinititigan at hindi maiwasan Na ikaw ay ‘di tignan sa malayuan At pinag-iisipan ko kung anong paraan
Para ikaw ay malapitan kaso malayo ang pagitan Hanggang kailan kaya mag-aabang kung may mapapala Sa ‘king ginagawa na ‘pagka tumaya ay ‘wag mapahiya
‘Di lang ako kumikibo matagal nang tumitibok Ang puso ko para sa ‘yo kaso minsan kumikirot (hmm) ‘Di ko kasi masabi ‘di ako umaarte lang ‘Di ko rin alam kung papaano aatake Kasi baka naman ako ay tablahin Kaya tinatak sa isip ko na ‘wag nang tangkain Panaginip lang lahat ng ‘yon ako ay tampalin Para gising na ‘ko tamang panahon Aantayin ko na lamang Kasi wala namang masama sa magtiyaga Kung para sa ‘kin ka e ‘di mag-aabang ako hanggang sa merong mapala Kaso wala namang mapapala lalo’t ‘pag wala akong ginawa Tsaka baka mamuti lang ang mata ‘pag nag-antay ng himala
‘Di naman malabo na mapansin mo ‘ko kapag ‘di ako nagtatago Kailangan ko lamang na maging matapang kung gusto ko na magka-tayo Wala naman kasing ibang paraan kung sa takot ay magpapatalo Kawawa lang ako puro lang tingin sa malayo kailangan ko yatang magbago Kasi
Matagal na kitang sinusundan Tinititigan at hindi maiwasan Na ikaw ay ‘di tignan sa malayuan At pinag-iisipan ko kung anong paraan Para ikaw ay malapitan kaso malayo ang pagitan Hanggang kailan kaya mag-aabang kung may mapapala Sa ‘king ginagawa na ‘pagka tumaya ay ‘wag mapahiya Ohh ohh…