Pagod sa trabaho, makulit na amo Wala pang sweldo baon ko di aabot paano Ko pagkakasyahin pengeng malupit na plano Sahod na parang nakahingi ka ng balato Disgrasya demo-demokrasya Dito sa bayan na karangyaa’y madalas na pinapantasya Lumang sapatos na pilit mong pinapagkasya Pangarap na di mo mapaliit ang distansya Na maabot, oy alas singko na pala Makabyahe na para di makasabay ang iba Sa kalsada na palagi na lamang halabira Mga maling sulat ng lapis pero di mo mabura Gano na ba kahaba ang pila sa LRT Sana nama’y di na tumirik ang MRT Ingat baka madukutan ka pa ng iPhone 3 Ito ang ‘sang dinadaing araw man o gabi
Gusto ko ng umuwi Gusto ko ng umuwi Araw araw na lang ganito mula sa Monumento Lagro, hanggang sa Quiapo Crossing ilalim, ibabaw nasan ka na raw Nasa Cubao nilalangaw Gusto ko ng umuwi Gusto ko ng umuwi Kaso trapik na naman
Paulit-ulit ulit ulit ulit Na inuukit ukit ukit ukit ukit Sa kukote na patuloy yata na kumikitid Tila mas may silbi pa ang sinulid kaysa sa lubid Mga bibig na burara, mga kamay na bastos Sa sasakyang may kamao at may pangalan ng Diyos Ayaw ayusin ang sira, sisirain ang ayos Sila na nakaraparada sa mga daan na kapos Tapos bawal magsakay, bawal magbaba Lahat ng bawal ginawa ang kapal ng mukha Dito po tayo tumawid pero nasa kabila Tapos nagtataka bakit di umuunlad ang bansa Hanggang baba ng pila ng tao sa LRT Lahat kasi tumirik na naman na MRT May napatay na holdaper dahil sa iPhone 3 Ano ang lagi mong daing araw man o gabi
Gusto ko ng umuwi Gusto ko ng umuwi Araw araw na lang ganito mula sa Monumento Lagro, hanggang sa Quiapo Crossing ilalim, ibabaw nasan ka na raw Nasa Cubao nilalangaw Gusto ko ng umuwi Gusto ko ng umuwi Kaso trapik na naman