Gaano man katindi ang dagok hindi matatakot Lipad ko ay mananatiling matayog Di mapapagod bumangon miski madapa Nagsimula sa baba papunta ng tugatog Papunta ng tugatog Papunta ng tugatog
Nagsimula sa baba na parang binhi Aabot dun sa tugatog mangatog man ang binti Manggugulat sabay sabing di lang kayo yung matindi Ako’y dinamitang di nila nakitang nakasindi Nag-aalab at nagbabaga hingang malalim At ibuga ang kaba kasabay ng gabay ng mantra Nangangatal sa sabik nakahanda na akong bahala Na ihagis ang sandata sa mata ng dambuhala At gagawin ang imposible Walang pagsisisi sa huli kasi alam kong hindi to simple Dadaan ka sa proseso dapat mo lang tanggapin Dahil ang gustong lumaktaw malalaglag dun sa bangin Nangangapa pa sa dapat na hakbangan Nagkalat ang mga patibong at hindi patag ang daan Ang dami nagsabi sakin “hanggang dyan ka na lang” Asa pa na tantanan hanggang taas masampahan
Gaano man katindi ang dagok hindi matatakot Lipad ko ay mananatiling matayog Di mapapagod bumangon miski madapa Nagsimula sa baba papunta ng tugatog Papunta ng tugatog Papunta ng tugatog
Mahahati ang daan pipili sa kaliwa’t kanan Ang isang maling galaw mawawala ang pinaghirapan Di lang isa kundi marami ang malaking nakaharang Matagal mo ng inaasahan pero minsan di maiwasan Na magapi, maranasan masawi At iisipin mo san ka ba nagkamali Di mo na alam ang gagawin kasi ginawa mo na lahat Tinaya at nilapag ubos pati sukli Ngayong wala ng masalat at sa pagbagsak Una ang aking mukha Nalaglag pa ng mas mababa kung san nagsimula Namanhid ba ang lahat kasi lagi kong hinuhusayan O yung akala ko na gutom hindi na pala natutunawan Gusto kong malaman alam ko naman na di maghihintay Sa wala sapagkat ang hiling ko noon matagal na sakin naibigay Ang mga plano at tadhana na hindi nagsasabay Baka sakaling tumugma kapag sa rima ko inilagay
Gaano man katindi ang dagok hindi matatakot Lipad ko ay mananatiling matayog Di mapapagod bumangon miski madapa Nagsimula sa baba papunta ng tugatog Papunta ng tugatog Papunta ng tugatog
Idederetso ko meron man o walang kakampi Handang tiisin miski gaano kahapdi Kahit na hilahin ay hindi malalansi Nadala na kaya ang dala ko ngayon tangke Aabante meron o walang kakampi Handang tiisin miski gaano kahapdi Kahit na hilahin ay hindi malalansi Dahli ang husay ko ngayon di na kayang itanggi
Sa tigas ng ulo di susuko pagkat sinunog na yung puti na tuwalya Parang pinasahan ng enerhiya bigla ni Jeremiah Mapuputikan at uuwi kang lamog nang nanggigitata Naging biyaya ang mga peklat na magsisilbing medalya Walang kailangan na patunayan walang kalaban dapat talunin Hindi maiiwanan walang nakaraan na hahabulin Kung magbabalik man sa umpisa isa lang ang babaguhin Pupunta ulit sa tuktok at mas mabilis kong tatapusin
Gaano man katindi ang dagok hindi matatakot Lipad ko ay mananatiling matayog Di mapapagod bumangon miski madapa Nagsimula sa baba papunta ng tugatog
Gaano man katindi ang dagok hindi matatakot Lipad ko ay mananatiling matayog Di mapapagod bumangon miski madapa Nagsimula sa baba papunta ng tugatog Papunta ng tugatog Papunta ng tugatog