Walang Bago – Geo Ong

Minsan ba, ‘di mo na alam ang gagawin mo
Nag tatrabaho alas otso hanggang alas singko
Nakakapag pahinga ka lamang pagka linggo
Pero bakit madalas ka paring salatin oh
Kahit alam mo naman na ikaw ay walang bisyo
Tinawaran lahat makatipid lang ng piso
Kung pupunahin mo tila parang may mali bro
Nandiyan ka diba pare para sa pag asenso
Teka sino nga ba ang dapat na sisihin
Tayo ba o yung biglang pagtaas ng bilihin
Tumaas na lahat yung sahod mo ganun parin
Kakarampot lang kapus parin kahit anong gawin
Ang tagal pa mag pasahod ni boss “‘wag kang mainipin”
‘Wag mainipin yung pamilya ko walang kakainin

Sa inyo oo, madali lang yan sabihin
Kami para makaka kain kailangan mag paalipin
Sa inyo oo, madali lang yan sabihin
Kami para makaka kain kailangan mag paalipin

Babangon alas kwatro papasok sa trabaho
Mag aabang sa kanto araw araw walang bago
Walang bago (walang bago) walang bago (walang bago oh)
(Araw araw walang bago
(Babangon alas kwatro papasok sa trabaho
Mag aabang sa kanto araw araw walang bago
Walang bago (walang bago) walang bago (walang bago oh)
Araw araw walang bago

Hmm teka muna ‘lika dito sandali
‘Di mo ba napapansin na parang meron nang mali
Alam naman natin nung unang ‘di ‘to madali
Kailangan kung gawin para sa ilang libong salapi
Nakataya ang buhay ko kada uwi ko sa gabi
Mga mahal ko pa sa buhay ay hindi ko katabi
Buti sana kung meron benepisyong malaki
Sa trabaho kulang na sahod binibitin pa kami
Napaka hirap talagang maging trabahante
Bihira ka pa sa bihira mabakante
Bayad sa upa na malaki pa balanse
Kaya kaya ‘di ka pwede basta basta pakapante
Pambayad sa buwis pang kain pamasahe
Papasukin ko na yan pare meron pa bang bakante
Ayos lang kahit na ako’y ‘di na mabakante
Basta lang sa byahe ng buhay ay maka abante

Babangon alas kwatro papasok sa trabaho
Mag aabang sa kanto araw araw walang bago
Walang bago (walang bago) walang bago (walang bago oh)
Araw araw walang bago
Babangon alas kwatro papasok sa trabaho
Mag aabang sa kanto araw araw walang bago
Walang bago (walang bago) walang bago (walang bago oh)
Araw araw walang bago

Pamasahe ko pang kain ko pambayad ng renta
Tamang mabuhay nalang buhay ko wala nang kwenta
Kuryente tubig at plan ng telepono
Marami pang iba hindi sapat ang sinweldo ko
At alam mo kung ano pang mas nakaka badtrip
Yung mga katrabaho ko na ang paplastik
Ganun na nga napunta pa ako sa among mabagsik
Nagka sakit lang ako ‘wag na kagad akong babalik
Mukhang kailangan ko na yata ng mentalidad na bago
Mahirap ang mabuhay pag hindi ka nagtrabaho
Pero para san ang buhay kung hindi ka masaya
Tunay na ligaya ng buhay hindi na madama
Dahil sa mga patong patong mong obligasyon
Ikaw narin ang mga napabayaan mong relasyon
Ang kantang ‘to ay ‘di para sa lahat ng mga tao
Para lang ‘to doon sa gusto na nang pagbabago
What’s up!

Babangon alas kwatro papasok sa trabaho
Mag aabang sa kanto araw araw walang bago
Walang bago (walang bago) walang bago (walang bago oh)
Araw araw walang bago
Babangon alas kwatro papasok sa trabaho
Mag aabang sa kanto araw araw walang bago
Walang bago (walang bago) walang bago (walang bago oh, oh)
Araw araw walang bago)

Babangon alas kwatro papasok sa trabaho
Mag aabang sa kanto araw araw walang bago
Patanda na tayo nang patanda lakas ng katawan natin
Pawala nang pawala lahat tayo mamamatay
Pag dating ng panahon kaya lahat ng gusto mong
Gawin gawin mo na ngayon mabuhay ka hangga’t
May buhay ka pa wala ka nang magagawa
Pag nasa hukay ka na tandaan
www.pillowlyrics.com
error419786
fb-share-icon497975
Tweet 88k
fb-share-icon20