Sana muli Sana muling ika’y makasa – makasa – makasama ngayon Walang balita sa iyo buhat noon Magkaklase pa tayo nun At nangyari Reunion ng dating barkada naging buhay Nang ika’y dumating grupo ay nag-ingay Ikaw na lang ang hinihintay
At ngayon nandyan ka na Di makatingin sa iyong mata May’rong gumugulo sa’king nadarama Pagkat may nililihim ako At lumipas na ang ilang taon Hindi pa ba ito ang tamang pagkakataon?
Hindi ko pa alam kung ipapadama O hidden na lang tong wow na feelings Na para sayo… Baka naman na mapahiya lang ako Sa iyo’y mabigo pighati mabuo Papano ba to?
Bakit muli Bakit muling di na ma – di na ma – di na mapakali Katabi kita’t lalo ka pang lumalapit Tensyon ay tumitindi At nangyari Tuksuhan ng ating barkadang pasaway Walang pakialam at sila ay nag-ingay Pwede bang magdikit kamay
At nang narinig kita tanong mo ay “Ok ka ba?” Hindi pa din masabi aking nadarama Kasi nga ang lihim na ito’y Tinatago ko hanggang ngayon Hindi pa ba ito ang tamang pagkakataon?
Hindi ko pa alam kung ipapadama O hidden na lang tong wow na feelings Na para sayo… Baka naman na mapahiya lang ako Sa iyo’y mabigo pighati mabuo Papano ba to? Papano ba to?
Hindi ko pa alam kung nasan na ba ang lakas ng loob Sana lang sana ay ibigay mo na to!! Ohh Diyos ko naman O kaya’y bahala na Ayoko lang masayang ‘tong wow na feelings
Baka mali Baka mali sa inaaka – inaaka – akalang ito Ating samahan siguro’y di magbabago Heto’t aaminin ko na nga sa iyo
Nang bigla mong inabot Karton na may dalawang tiklop Sa aking pagbuklat, ang nais ko ay naudlot Nagulat sa natuklasan Lugar at petsa’t pangalan ng dalawang pusong… Tama na!!! Ikakasal ka na pala
Wohhhhhh!!! Ohhhh!!! Wow naman Oh Diyos ko naman! Di ko inaasahan Ang sakit naman Ang sakit sakit naman Hindi ko nap ala ipapaalam at hidden na lang Tong wow na feelings na para sayo Na para sayo… Heto na nga’t ako’y nabigo Nawalan ng lakas ng loob Pighati’y nabuo paano na ‘to Ohh paano na ‘to Siguro’y nararapat lamang ito Dahil sa nagawa noon sa iyo Sana’y di nagkaganito Ohhh… pasensya na Sa’ting nakaraan… Sinayang ko lang Ang wow na feelings Mo wohh Wohh…