Laging nagtatanong Ang puso kong ito Hangang ngayon kaya’y Mahal mo pa ako Alaala ng kahapon Nang lumisan ka noon Ika’y babalik Ang sabi mo doon
Lagi na lamang bang Maghihintay sa’yo Kayanin pa kaya Ng pusong magtampo Minsan ay nag-iisip Kung tunay ang pangako mo Di kaya biro lang ang lahat ng ito
Ang hangad ko lang naman Minsan pa kahit na sandali Makita kang muli At kung tuluyan nang Ako’y iiwan mo Ay sabihin na sa akin Nang di na maghintay Sa araw at gabi …